SA kanyang guesting sa late talk show na Tonight With Boy Abunda, inilarawan ni Bayani Agbayani ang sarili niya bilang ama sa apat niyang anak na babae.

Bayani copy

“Ako ang ama na kaibigan ng mga anak ko. Ako ang ama na laging nakakaunawa kung ano ‘yung ugali ng mga millennial ngayon,” sabi ni Yani (palayaw ng komedyante), na bida sa pelikulang Feelennials (Feeling Millenials) ng Cignal Films, na mapapanood na sa mga sinehan sa Miyerkules, June 19.

Dahil kabilang sa sinasabing millenials ang kanyang mga anak, sinabi ni Yani na hindi siya nangingialam sa love life ng kanyang mga dalagita.

Tsika at Intriga

Ken Chan panalo sa Gawad Pasado pero may kinahaharap na kaso?

“Naga-guide ako kung papaano nila makakamtan ang mga pangarap nila,” aniya.

Sa pagpapatuloy ng panayam ni Kuya Boy (Abunda) kay Yani, sinabi ng huli na inamin ng 22-anyos niyang anak na si Thalia na boyfriend nito ang kapatid ni Bea Alonzo na si James Carlos. Kuwento ni Yani, schoolmates sina James at Thalia sa isang culinary school.

Nakakalaro na rin umano ni Yani ng basketball si James bago pa man nagkakilala sina Thalia at James.

“Nakaka-basketball ko na siya (James), kami nina Vhong Navarro sa Reyes gym,” pahayag ng comedian.

“Kaya nung pagdating niya ng bahay namin, (sabi niya) ‘ako po ‘yung nakaka-basketball n’yo’. (Sabi ko) ‘A ikaw pala.’

“Nung bandang huli sinabi niyang ‘liligawan ko po sana si Thalia, aakyat ako ng ligaw’. Sabi ko ‘sana sinaktan kita nung dating nagba-basketball tayo’,” nakakatawang kuwento ni Yani.

Bawi naman kaagad ng komedyante, “Bumilib ako sa kanya, kasi ang totoong lalaki at magalang na bata, pupunta talaga sa bahay.”

-ADOR V. SALUTA