SUWERTE ang pasok ng June para sa tinaguriang cutest bagets duo na sina Kikay-Mikay, dahil may naka line-up na apat na pelikula para sa kanila.
Gagawin nila ang Tawid Pangarap, isang educational film; Pinay, The Wanders Witch, na ididirehe ni Michael Daya.
Gagawin din nina Kikay at Mikay ang isa pang upcoming movie nila under an award-winning director, si Direk Mike Magat, na sa ngayon ay hindi pa puwedeng i-reveal ang title.
Marami na ring nagawang movies ang dalawang bagets under Direk Mike, in pernes.
At ang pangatlong movie nila ay ang The Wind Chime, na ididirehe naman ni Jesland Lapid.
Hindi pa man natatapos ang taon ay may blocked sched na kaagad sila next year, kabilang na sa June 20, 2020, na guests sila sa concert ni Nick Vera Perez, na gaganapin sa Music Museum.
Kamakailan lang, kasama sina Kikay at Mikay sa mall tour ng album ni Nick sa Isetann Mall Recto, at this week naman ay may show sila sa Ali Mall sa Cubao.
Bukod sa singing, dancing, acting, at modelling, pinasok na rin nina Kikay at Mika yang hosting, at regular silang mapapanood sa TV 13, sa Smac TV show na Happy Go Lucky.
Always good luck sa career n’yo, Kikay-Mikay! Slowly but surely, that is.
-MERCY LEJARDE