SA unang pagkakataon, magdaraos ng una niyang major solo concert ang world-boxing champion at senador na si Manny Pacquiao, sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City sa Setyembre 1, 2019.

Manny-Pacquiao

“This is a wonderful opportunity to share with my fans my passion in music. That’s the problem—I love music but music doesn’t love me. But I keep on going,” sabi ni Manny, na inihayag ang una niyang major musical gig sa press conference sa isang hotel sa Makati City nitong Biyernes ng gabi.

Sinabi ni Manny na libre lang ang entrance sa kauna-unahan niyang solo concert.

Relasyon at Hiwalayan

Marian, aminadong 'di kayang mawala si Dingdong sa buhay niya

“My fans don’t have to pay anything,” aniya.

Ihahayag sa mga susunod na araw kung paano makakakuha ng libreng tickets sa concert ng Pambansang Kamao.

Nakapag-record na ng ilang hit songs, tulad ng Para Sa ‘Yo ang Laban na ‘To, Bilog Ang Mundo, at Lahing Pinoy, sinabi ni Manny na ang concert niyang ito ay itinuturing niya bilang comeback sa music scene.

“Actually, I already stopped singing 8-9 years ago. So I consider this as a comeback,” ani Manny.

May mga iba pang guest stars sa concert ni Manny, ayon sa business manager niyang si Arnold Vegafria.

“We will also invite other Asian stars to join Manny in his first concert. In fact, the concert will be telecast in other Asian countries,” ani Arnold.

Sinabi ni Manny na magtatanghal siya ng walo hanggang 10 kanta sa Filipino at English.

“I need to have duets because it’s difficult to sing many songs alone,” aniya.

Produced ng Global Crypto Offering Exchange (GCOX), sa pakikipagtulungan ng ALV Events International, ilulunsad din sa musical event ang PAC Token, isang personalized token na katumbas ng crypto tokens na maaaring ipapalit.

Milyun-milyong fans naman ni Manny ang magkakaroon ng access sa kanyang fan-celebrity platform na powered ng GCOX, ayon kay Dr. Jeffrey Lin, CEO ng GCOX.

“While Senator Manny is busy serving his people, we hope to help him reach out to his fans and engage them regularly. By having this PAC Tokens, they become a privileged group who will have the opportunities to connect with him on a whole new level,” ani Dr. Lin.

“Through this robust ecosystem, I will be able to help my fans save money while promoting good value products and driving merchants who support me,” sabi ni Manny. “Everybody wins in this ecosystem. This is my opportunity to give back to the community that has made me who I am today.”

Mada-download ng fans ang bagong fan-celebrity edutainment mobile application sa Setyembre upang direktang makakonekta sa kani-kanilang iniidolong celebrities, kabilang na si Pacman.

-ROBERT R. REQUINTINA