AAKYAT ng timbang ang tubong Sarangani Province na si Sonny Katiandagho upang humarap sa walang talong Dutch na si Nick Frese para sa bakanteng WBC Asian Boxing Council welterweight title sa Hunyo 22 sa Workpoint Studio, Bak Phun, Thailand.

May perpektong rekord na 9 panalo, 7 sa pamamagitan ng knockouts, ang nakabase sa Bangkok na si Frese, ngunit tinanggap ni Katiandagho ang laban sa malaking pagkakataon na pumasok sa world rankings kung magwawagi sa boksingero mula sa The Netherlands.

Huling lumaban si Katiandagho noong Disyembre 14, 2018 at natalo via 3rd round TKO kay Apinum Khongsong sa kanilang sagupaan sa Chiangmai para sa IBF Pan Pacific super lightweight belt na matagal nang hawak ng Thai knockout artist.

May rekord ang 26-anyos na si Katiandagho na 12 panalo, 4 talo na may 7 pagwawagi sa knockouts.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Gilbert Espeña