SA ulat ng TV Patrol kamakailan, nagpaalala si Senator Grace Poe sa mga manggagawang sakop ng showbiz industry na mag-ingat, matapos niyang ikabahala ang aksidenteng kinasangkutan ng beteranong actor-director na si Eddie Garcia eksaktong isang linggo na ang nakalipas, na hanggang ngayon ay nasa comatose state pa rin sa Makati Medical Center.

Eddie

“Protektahan natin ang ating mga nagtatrabaho sa set. Lalung-lalo na kung action scene,” sabi ni Senator Grace.

Napatid ang beteranong aktor sa cable wire sa set ng taping ng bago niyang serye sa GMA-7, ang Rosang Agimat, na naging cause naman ng neck fracture ng 90-anyos na aktor.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Hindi rin daw nagsasalita si Senator Grace para manisi kundi para magpaalala lang.

“Hindi sa pagsisisi maski na kanino, pero importante may naka-standby sana na doctor o medic,” anang senadora.

Lubhang ikinabahala ni Senator Grace ang nangyari sa beteranong aktor, at isa siya sa mga dumalaw kay Manoy sa ospital, matapos mabalitaan ang nangyari.

-ADOR V. SALUTA