TAGAYTAY CITY -- Walang inaksayang panahon ang tropa ngTaiyuan Miogee Cyling Team para dominahin ang unang yugto ng 2019 Le Tour de Filipinas na nagsimula at nagtapos sa the Praying Hands dito.
Pinamunuan ni rider Jeroen Meijers ang koponan sa Stage One 129,5-kilometer lap ng nasabing karera, gamit ang istilo ng ‘pamiliaridad’.
“We’re here one week before the race for us to get to know the route, where is the steepest area,” pahayag ng 26-anyos na Dutch rider na nagtala ng 3:06.59.
Kasama sa Top Five sina Angus Lyons (03:08.32) ng Olivers Real Food Racing, Daniel Habtemichael (03:09.02) ng 7-Eleven, Sandy Nur Hassan (03:09.14) at Aiman Cahyadi (03:09.21) ng PGN Road Cycling Team.
Gayunman, namayagpag naman si Felipe Marcela (03:09.25) bilang kaisa-isang Pinoy rider na napasama sa Top 10.
Binaybay ng mga siklista ang ruta buhat sa Praying Hands Monument patungo sa mga bayan ng Lian, Binubusan, Balayan, Calaca, Lemery, Agoncillo at Laurel pabalik sa starting line.
Sumabak sila sa dalawang intermediate sprint kasunod ang King of the Mountain (KOM) sa Tagaytay-Talisay Sampaloc Road.
Target ng Dutch rider na si Meijers na itago sa kanyang pag iingat ang suot niyang purple jersey ngayon sa Stage Two 194.90-km mula Pagbilao, Quezon patungo sa Daet Camarines Norte.
Magmumula sa Pagbilao Park tutungo ang tropa sa Atimonan, Gumaca,
Calauag, Santa Elena at Labo papunta sa finish line sa Vinzons Avenue sa Daet.
-Annie Abad