ANG cute ni Sharon Cuneta nang nagpaka-nanay sa anak na si Frankie Pangilinan dahil nag-comment siya sa bikini post ni Frankie ng, “Don’t show too much my Baba! Hahaha! But lookin’ good my baby! Miss you. I love you so much!”

Frankie at Sharon

Nasa Boracay kasi si Frankie at nasa beach, kaya normal na naka-swimsuit at red two-piece swimsuit ang suot nito na ikinataranta ni Sharon, kaya nagpaalala sa anak na ‘wag masyadong magpakita ng skin.

Sumagot si Frankie ng “missed u mama” na hindi na sinagot ni Sharon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Natuwa ang followers ni Sharon sa reminder nito sa anak, but in fairness, hindi masagwang tingnan si Frankie na naka-two-piece. Saka nasa beach naman siya at nasa right age, nothing to worry si Sharon.

S p e a k i n g o f S h a r o n , pinasalamatan nito si Richard Gomez sa ipinadalang matatamis na pinya mula sa Ormoc City. Galing sa pinya plantation nina Richard at Cong. Lucy Torres-Gomez ang mga prutas na unang natikman ni Sharon nang mag-shooting sila nina Goma at Kathryn Bernardo ng Star Cinema movie sa Ormoc.

-Nitz Miralles