GINIBA ni PH chess wizards Oshrie Jhames Reyes ng Dila Dila, Santa Rita, Pampanga kontra si former solo leader Duong Vu Anh ng Vietnam para makasama si Nguyen Manh Duc ng Vietnam sa ituktok ng liderato matapos ang four rounds ng 20th Asean + Age Group Chess Championships 2019 na ginanap sa Golden Mandalay Hotel at Hotel Hazel sa Mandalay City, Myanmar nitong Miyerkoles.

Dahil sa natamong panalo, nakamit ng seven-years-old na si Oshrie Jhames na Grade 3 pupil ng GNC Montessori sa Guagua, Pampanga ang total 3.5 points matapos ang 4 games of play sa Under-8 Boys’ open division, iskor ding naitala ni Nguyen Manh Duc ng Vietnam na pinasuko naman ang kanyang kababayan na si Nguyen Nghia Gia Binh.

Si Oshrie Jhames na nahasa ang kanyang chess skills sa guidance ng kanyang mga coaches na sina International Master Barlo Nadera, Juan “Jun” Rojano Jr., Levis Miranda, Abel Dimalanta at Genghis Katipunan Imperial ay makakatagisan ng talino si Dau Khuong Duy ng Vietnam sa Round 5 habang karibal naman ni Nguyen Manh Duc ng Vietnam ang kababayang si Nguyen Hoang Bach.

Nagpahayag naman si Jaime Reyes na isang OFW sa Jubail, Kingdom of Saudia Arabia na very supportive father ni Oshrie Jhames: “We hope that Oshrie Jhames can maintain his momentum going to the last five rounds.”

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Dagdag naman ni Arena Grandmaster at Fide Master Robert Suelo Jr.: “It’s obviously a good start, but we still have five more rounds. You have to keep on winning in a Swiss System tournament,” sabi ni 1996 Philippine Junior champion Suelo. “The challenge is to maintain or up the level of play in the coming rounds.

Nagpakitang gils din si Herson Bangay ng Lipa City, Batangas matapos pagulungin si Tran Minh Khang ng Vietnam subalit hindi naman pinalad si Phil Martin Casiguran ng Caloocan City matapos yumuko kontra kay Nguyen Quang Minh ng Vietnam.

Dahil sa magkaibang resulta ay si Bangay na ipinagmamalaki ng Golden Mind Chess Club ni Alexandro “Allan” Osena ay umakyat at nakisalo sa 8th place na may 2.5 points sa Under-8 Boys’ open division habang bumagsak naman si Casiguran sa 18th at napako sa 1.0 point.

Nauwi naman sa tabla ang laro ni PH chess genius Al-Basher “Basty” Buto ng Faith Christian School sa Cainta, Rizal kontra kay erstwhile co-leader Nguyen Thai Son ng Vietnam para makapuwersa sa four-way tie sa first place sa paglikom ng 3.5 points sa four outings sa Under-10 Boys’ open division na iskor ding naisubi na kinabibilangan din nina Nguyen Thai Son at Candidate Master (CM) Hoang Le Minh Bao ng Vietnam at Aarav Lakhani ng India.

Nakipaghatian naman ng puntos si Philippines’ youngest Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe “Tonelle” Murillo Racasa kontra kay Nguyen Ngoc Phuong Nghi ng Vietnam. Dahil sa tabla ang Mandaluyong City bet na si Racasa ay nakisalo sa first place na may 3.5 points kasama si Thai Ngoc Tuong Minh ng Vietnam sa Under-12 girls’ division ng Standard time control format.

Ang kampanya sa Myanmar trip ni Racasa ay suportado nina Hermie Esguerra ng Herma Group of Companies, Makati Medical Center President at Chief Executive Officer Rose Montenegro at Rogelio Lim ng Rotary Club of Pasig.