HINDI lamang ang angking husay ng mga local riders ang nais na itampok ng organizers ng 2019 Le Tour de Filipinas, bagkus ang magagandsang tanawin, kabilang ang nakakabibighaning ganda ng Mayon Volcano sa pagsikad ng karera simula ngayon.

May temang “10 years of Cycling”, hindi lamang masusubok ang lakas at galing ng mga siklista sa kanilang pagpadyak sa ilalim ng init ng araw, kundi pati na rin ang kanilang kakayahan na suuingin ang paminsan minsa’y buhos ng ulan.

Magsisimula ang Stage 1 sa limang yugto ng International Cycling Union (UCI) event sa Tagaytay para sa starting line patungo sa Legapi City kung saan nakatakdang gawin ang huling yugto.

“What a way to celebrate a decade of Le Tour de Filipinas, by showcasing the best of the Philippines,” masayang pahayag ni Donna Lina, Chairman ng Le Tour de Filipinas.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Kabuuang 77 siklista mula sa 15 koponan ang sasabak sa pinaka-aabangan na cycling event, kabilang dito ang mga international team at lokal na mga koponan.

Ang naturang event ay magsisilbi ring qualifying points para sa mga Filipino riders na nagnanais na makasikwat ng puwesto para sa nalalapit na 2020 Tokyo Olympics.

Ayon pa kay Lina, iba’t ibang pagsubok ang sasagupain ngayon ng mga siklista na papadyak, upang maipamalas ang kanilang galing sa naturang karera.

“It’s the 10th year and like in the previous editions, the riders will face challenges the elements offer, thus squeezing out the best of the best of the sports spectacle on two wheels,” pahayag pa ni Lina.

Mula Tagaytay, daan ng Batangas City ang nasabing karera, patungo sa Lucena City, paakyat sa Legaspi City, Daet at Donsol Sorsogon.

Taong 2009 nang magsimula ang karear ng Le Tour na mismong urangkada din buhat sa Tagaytay at Batangas City kung saan nagwagi ang Irishman na si David McCann.

-Annie Abad