TUMIMBANG si WBC Silver Female light flyweight titlist Seniesa Estrada ng Mexico na 107 pounds samantalang mas mabigat si Filipina Gretchen Abaniel sa 108 pounds kaya tuloy ang kanilang sagupaan ngayon (Hunyo 13) bilang main event ng Golden Boy DAZN Thursday Night Fights sa Avalon, Hollywood, California sa United States.
Kapwa rin nakuha nina WBC No. 6 super bantamweight Azat Hovhannisyan ng Armenia at dating world ranked Glenn Porras ng Pilipinas ang timbang kaya walang makapipigil sa kanilang super bantamweight na sagupaan.
Tumimbang si Hovhannisyan na 121.6 pounds samantalang mas magaang si Porras sa 121.2 pounds kaya tuloy ang pagtaya ng Armenian sa kanyang WBC rankings sa Pinoy boxer.
“Gretchen Abaniel has lots of experience and has fought former and current world champions,” sabi ni Estrada sa BoxingScene.com. “I know she will be coming to win and will put up a fight, but I’m prepared to stop the things that she does effectively. I’ve been studying her, and I’m prepared mentally and physically to go out there and get the win in front of my hometown crowd. I’m happy to be fighting at home and can’t wait to put on a great show for everyone who will be in attendance and watching from home.”
Para kay Abaniel na naging Global Boxing Union at Women’s International Boxing Federation minimumweight champion, magandang pagkakataon na mapasabak sa promosyon ng Golden Boy.
“I’m a highly motivated individual and a hardworking person,” sabi ni Abaniel. “My strong desire to reach my goals has helped me make my dreams come true. I have waited for this opportunity to be a part of Golden Boy card. I thank God above all and Golden Boy for choosing me to be on this card. I promise to give a great fight!”
May perpektong rekord si Estrada na 16 panalo, 6 sa pamamagitan ng knockouts samantalang may kartada si Abaniel na 18 panalo, 10 talo na may 6 pagwawagi sa knockouts.
Mas maganda ang record ni Hovhannisyan kay Porras ngunit hindi matatawaran ang kakayahan ng Pinoy boxer na lumaban bagamat natalo kina one-time world title challenger Jose Nieves ng Puerto Rico at kasalukuyang WBO super bantamweight titlist Emanuel Navarrete ng Mexico.
May 16 panalo, 3 talo si Hovhanissyan, 13 sa pamamagitan ng knockouts kumpara sa mas beteranong si Porras na may 32 panalo, 8 talo na may 20 pagwawagi sa knockouts.
-Gilbert Espeña