KUNG magiging gitgitang ang laban, ang 194.9-kilometer Pagbilao to Daet stage ang magiging huling ratsadahan sa five-leg UCI-sanctioned 2019 Le Tour de Filipinas na sisikad simula sa Biyernes sa Tagaytay City.

PINANGUNAHAN ni Donna Lina (gitna), chairman ng Le Tour de Filipinas, ang mga lokal riders na makikibahagio sa karera sa kanilang pagbisita sa PSA Forum kahapon sa Amelie Hotel. (RIO DELUVIO)

PINANGUNAHAN ni Donna Lina (gitna), chairman ng Le Tour de Filipinas, ang mga lokal riders na makikibahagio sa karera sa kanilang pagbisita sa PSA Forum kahapon sa Amelie Hotel. (RIO DELUVIO)

Inamin mismo nina defending champion El Joshua Carino at 2014 titleholder Mark Galedo, gayundin nina national team coach Reinhard Gorrantes at top mentor Eusebio Quinones na ang Pagbilao to Daet race ang krusyal na stage para magkaalaman.

“Matindi ang karera, “ pahayag ni Carino sa kanyang pagbisita sa Philippine Sportswriters Association Forum nitong Martes sa Amelie Hotel sa Ermita, Manila.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inamin ni Carino na pamilyar siya sa tinaguriang ‘killer route’ kung kaya’t magrereserba siya ng lakas sa laban.

“Nadaanan ko na yan at alam ko naman ang ruta pero hindi ka basta-basta aatake,” aniya.

Sasabak ang 34-anyos na si Galedo sa Celeste team, isa sa limang local teams na makikipagsabayan sa 10 foreign squads sa taunang karera na naghihintay ang importanbent UCI points para sa mga kalahok.

“Hindi ka na lang basta attake. Kalkulado ang bawat galaw. Kaunting mali, pwedeng maiwan ang team,” sambit ni Carino.

Kinatigan ito nina Gorrantes at Quinones, ngunit iginiit na sa simulka pa lamang tiyak na mapapalaban na ang lahat sa biyaheng 130 kilometers sa Tagaytay route kung saan tatahakin ang paluwsong at akyating bahagi ng Nasugbu, Lian, Balayan at Lemery sa Batangas.

Ayon kay Quinones, kailangang ang tamang diskarte sa ruta para hindi mapagiwanan.

“Yung flat (road) may distansiyang 17 km. lang,” pahayag ni Quinones.

Iginiit naman ni Donna Lina, chairman ng pakarera, na inihanda nila ang lahat ng ruta para maging mapaghamon, ngunit ligtas para sa mga kalahok at sa publiko.

“The safety of everyone is everything,” pahayag ni Lina.

Nakatakda ang Stage Three— Daet to Legaspi— sa layong 183.7 kilometers – sa Linggo kasunod ang 176-km Stage Four mula Legaspi via Sorsogon at Gubat pabalik sa Albay sa Lunes.

Ang Stage Five ay sa Martes sa distansiyang 138.20 km mula Legaspi via Donsol pabalik ng Legaspi.

-Annie Abad