Si Jimuel Pacquiao, panganay na anak n g P amb a n s a n g Kamao at senador na si Manny Pacquiao at ni Jinkee Pacquiao, ang ipinapakilala bilang bagong e n d o r s e r n g isang brand ng jeans. Sa ginanap na presscon ng nasabing men’s apparel, naungkat ang tungkol sa relasyon nito sa Kapamlya artist na si Heaven Peralejo.

Jimuel at Heaven

Hindi raw nito matanggap ang isyu na pera lamang daw niya ang habol ng aktres sa kanya kaya nakipagrelasyon ito sa kanya?

Kasi nga, mula nang maging hayagan ang pakikipagmabutihan ni Jimuel kay Heaven, kung anu-ano na ang paratang na ibinabato kay Heaven.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Umabot pa nga sa puntong tinawag na “gold digger” ng bashers ang dalaga.

Depensa ni Jimuel sa kasintahan, “They don’t really know who she is, what she’s like. Ako, kilala ko po siya, si Heaven, kasi girlfriend ko siya.

“So, ang masasabi ko lang po ay... no way, she’s not! There’s no way na ganu’n siya.”

Ang importante raw ay mahal niya si Heaven.

Maging ang mga magulang niyang sina Jinkee at Manny ay boto sa kanilang relasyon.

Ayon pa kay Jimuel, “Na-meet naman po na nila. And they are very supportive kasi nakita naman nila na mabait si Heaven, na Christian.

“Christian po kaming dalawa. Nagtsi-Church po kami together.”

Anim na buwan na ang kanilang relasyon, at ang pakiramdam ni Jimuel ay “meant to be” sila ni Heaven.

Saad ng 18-year-old product endorser, “Sa tingin ko naman po kasi, like, parang hindi po kami naghanap. Parang nagkita lang kami, ‘tapos naging close kami.

“At first, naging friends muna kami bago ako nanligaw. Actually, marami na po akong challenges na napagdaanan, kasi first time ko naman manligaw na super formal talaga. Like, kinausap ko po ‘yung mommy niya, ‘yung daddy niya, at saka ‘yung grandparents po niya sa both sides.”

Paano niya nalamang si Heaven na talaga ang babaeng gusto niyang maging kauna-unahang girlfriend?

Sabi ni Jimuel: “At first, friends lang po kami. And then, we know each other na po, and she’s really nice. And marami po kaming characteristics na tugma po. Lahat po talaga parang naging swak lahat. Naging isang way na lang po, ganu’n.”

Inamin din ni Jimuel na malaking impluwensiya si Heaven sa kanya sa pagpasok sa modelling at pagiging product endorser.

Saad niya, “Honestly, she’s one of the reasons po. At saka, maganda naman po ‘yung offer. She’s very supportive naman po sa lahat ng gusto kong gawin, even sa boxing ko. She’s always there for me.”

-ADOR V. SALUTA