BAGAY k a y Dingdong Dantes ang b a g o n g gupit niya at idagdag p a n a pumayat siya, kaya lalong kumisig. Pati nga si Cherie Gil, gwapung-gwapo kay Dingdong nang magkita sila sa mediacon ng StarStruck.

Dingdong

Sabi ni Dingdong, ang pagpayat niya ay dahil nagda-diet siya at nagwu-workout bilang paghahanda sa sasalihang Berlin Marathon sa Berlin, Germany sa September 29.

K a h i t b u s y s a t a p i n g ng StarStruck, paghahanda sa shoot ng Descendants of the Sun, tinatapos na Viva Films movie na Hard Day at pagiging tatay kina Zia at Ziggy at asawa kay Marian Rivera, sumisingit pa rin si Dingdong sa pagwu-workout para sa Berlin Marathon.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Samantala, sa June 15 na ang pilot ng StarStruck na si Dingdong pa rin ang host mula nang magsimula ang original artista search. Nabanggit ni Dingdong na isa sa pagbabago ng StarStruck ngayon ay ang social media kung saan mas involved ang viewers.

Sila ni Jennylyn Mercado ang hosts at council members sina Heart Evangelista, Jose Manalo at Cherie Gil. Si Kyline Alcantara ang online host at abangan natin ang pagpapakilala sa Top 22 na mababawasan sa Final 12.

Speaking of Dingdong, hindi sila pabor ni Ice Seguerra bilang parehong former National Youth Commission Chairman, sa gusto ni Ronald Cardema na maging youth party-list representative. Kasama sila sa pumirma na kumokontra sa move ni Cardema na maging party-list representative ng Duterte Youth Party List.

-Nitz Miralles