WELL, makakasama ang artikulong ito sa ‘Celebrity Beefs You Didn’t See Coming’. Hinamon kasi si Justin Bieber si Tom Cruise, of all people, sa isang UFC fight.

Justin

Ayon sa ulat ng Yahoo Celebrity, nagpasaring ang Canadian pop star sa 56 taong gulang na aktor sa tweet niya nitong Linggo ng gabi, at sinabi pang “(he would) never live it down” kung tatanggi ang huli.

Naka-tag din sa tweet ni Justin ang UFC president na si Dana White, sa kagustuhan niyang mapilit si Tom na makalaban sa The Octagon. Marami ang nag-iisip kung ang shout-out ay isa lang publicity stunt.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dumagdag naman ang UFC fighter na si Conor McGregor sa intriga – at dahil dito ay nagkaroon ng mga espekulasyon na nagplaplano siya ng comeback — dahil naagpipresinta itong maging host ng Bieber vs. Cruise bout. Kalaunan ay nag-isyu naman ang controversial Irish athlete ng sariling paghamon sa aktor na si Mark Wahlberg.

Tom

Kataka-taka talaga ang mga pangyayari. Nagpo-promote kaya si Tom ng bagong proyekto, o nais lang talaga ni Justin kalabanin ang Mission: Impossible star?

Either way, kanya-kanya na namang joke ang fans sa isyu — at mayroon din silang prediksyon na maaaring may laban ang 5’9”, 25-year-old pop star, sa 5’7” movie star, na tatlong dekadang mas matanda sa kanya, ngunit tanyag naman sa kanyang mga death-defying stunts.

Tanggapin kaya ni Tom ang misyong ito? It’s your move, Maverick.