BAGO ganapin ang awarding rites ng 3rd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa Hulyo 14, magsasama-sama muna sa nominees night ang napiling pinakamahuhusay na mga artista, direktor, at iba pang mga manggagawa sa pelikulang Pilipino nitong nakaraang taon.

Sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), kikilalanin ang lahat na magkakatunggali sa 14 na kategorya sa Sabado, Hunyo 15, 6:30 PM, sa Annabel’s Restaurant, Tomas Morato Avenue, Quezon City.Ipamamahagi ng mga opisyal ng SPEEd at ng FDCP, sa pangunguna ni Chairperson Liza Diño, ang certificates of nomination.

Nominado bilang Best Picture ang Citizen Jake, Goyo, Liway, Rainbow’s Sunset, at Signal Rock. Sina Chito Roño (Signal Rock), Jerrold Tarog (Goyo), Joel Lamangan (Rainbow’s Sunset), Kip Oebanda (Liway), at Mike de Leon (Citizen Jake) naman ang maglalaban-laban sa best director category.

Magkakatunggali naman bilang best actress sina Angelica Panganiban (Exes Baggage), Glaiza de Castro (Liway), Gloria Romero (Rainbow’s Sunset), Judy Ann Santos (Ang Dalawang Mrs. Reyes), Kathryn Bernardo (The Hows of Us), Nadine Lustre (Never Not Love You) at Sarah Geronimo (Miss Granny).

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Nominado para maging best actor sina Piolo Pascual (Ang Panahon ng Halimaw), Carlo Aquino (Exes Baggage), Christian Bables (Signal Rock), Daniel Padilla (The Hows of Us), Dingdong Dantes (Sid & Aya), Paolo Contis (Through Night & Day) at Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset).

Bukod sa acting at technical awards, anim na special awards ang ipamimigay ng EDDYS: Ang Joe Quirino Award, na igagawad sa TV-radio host-columnist na si Cristy Fermin; Manny Pichel Award para sa entertainment columnist/talent manager na si Ethel Ramos; Rising Producers’ Circle Award na ipagkakaloob sa Spring Films at T-Rex Entertainment; Producer of the Year para sa Star Cinema; Lifetime Achievement Award sa premyadong direktor na si Elwood Perez; at ang posthumous recognition para sa Comedy King na si Dolphy.

Pararangalan din sa ikatlong taon ng EDDYS ang 10 movie icons na sina Amalia Fuentes, Vilma Santos, Tirso Cruz III, Christopher de Leon, Joseph Estrada, Eddie Gutierrez, Dante Rivero, Celia Rodriguez, Anita Linda at Lorna Tolentino.Bilang bahagi ng selebrasyon ng sentenaryo ng pelikulang Pilipino, kikilalanin din ng SPEEd at ng FDCP ang ilang unsung heroes sa likod ng kamera sa EDDYS “Parangal sa Sandaan,” na ia-anchor ng TV host-journalist na si Lourd de Veyra.

Honorees ang mga manggagawa na patuloy na nag-aambag ng lakas at talino sa pelikulang Pilipino.Ang gawad parangal ng SPEEd ay isang paraan upang patuloy na bigyan ng inspirasyon ang Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang mfa manggagawa sa industriya.

Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng major broadsheets at tabloids sa bansa, sa pangunguna ni Ian F. Farinas bilang presidente. Si Isah Red ang chairman emeritus ng organisasyon.

Ang 3rd EDDYS ay gaganapin sa July 14 sa New Frontier Theater (dating KIA Theater). Mapapanood ang awards night sa Colours Channel ng Cignal TV sa July 21.

Ang Cignal TV ay isa sa major sponsors/presenters ng 3rd EDDYS na ipoprodyus ng Echo Jham sa pangunguna ng direktor na si Calvin Neria.

-DINDO M. BALARES