TARGET ng Team Philippines na walisin ang walong gintong nakataya sa skateboarding sa darating na 30th Southeast Asian Games.

IBINIDA ni Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines, Inc. (SRSAPI) president Monty Mendigoria (ikalawa mula sa kanan) ang world-class venue para sa sports sa Tagaytay, habang nakikinig sina (mula sa kaliwa) organizers ng Balinas chess championships Engr. Tony Balinas, PECA chief Dr. Jenny Mayor, TOPS president Ed Andaya at skater Mac Feliciano.

IBINIDA ni Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines, Inc. (SRSAPI) president Monty Mendigoria (ikalawa mula sa kanan) ang world-class venue para sa sports sa Tagaytay, habang nakikinig sina (mula sa kaliwa) organizers ng Balinas chess championships Engr. Tony Balinas, PECA chief Dr. Jenny Mayor, TOPS president Ed Andaya at skater Mac Feliciano.

“Kung pahihintulutan tayo ng pagkakataon, bakit hindi natin i-sweep ang walong event sa SEA Games,” pahayag ni Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines, Inc. (SRSAPI) president Monty Mendigoria sa kanyang pagbisita kahapon sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.

Ang mga events sa skateboarding ay street npark, game of skate at downhill sa men at women divisions.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang kasalukuyang miyembro ng National Team ay sina 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal, Renzo Mark Feliciano, Jeff Gonzales at US-based Christiana Means at Jericho “Kiko” Francisco Jr.

Si Means ay taga Portland, Oregon samantalang si Francisco ay nakatira sa Carson, California. May isa pang Fil-Am at Fil-German na balak kunin si Mendigoria para lalong palakasin ang line-up.

“We’re eyeing a sweep of all eight golds at stake in the SEA Games. With a team reinforced by top-level Fil-foreigners, I think we can achieve our goal,” aniya.

Kasalukuyang ginagawa sa Tagaytay ang skateboarding venue na gagamitin sa SEAG. Ito ay katabi ng cycling BMX venue na malapit sa City Hall.

“We were assured that the venue will be finished by September,” ani Mendigoria sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, PAGCOR, NPC, Community Basketball Association (CBA) at HG Guyabano Tea Leaf Drink ni Mike Atayde.

Idinagdag pa ni Mendigoria na magkakaroon ng National Championship para magsilbing final qualifying tournament para piliin ang isasabak sa SEAG.

“We’re done with the Luzon, Visayas and Mindanao qualifying. The top 3 (street and game of skate) and top 10 (downhill) from the qualifying tournaments will compete in the Nationals. After this tournament, we will announce the lineup for the SEAG,” paliwanag ni Mendigoria

-Edwin Rollon