NA-INTERVIEW ng ilang miyembro ng showbiz press si Regine Velasquez nang dumalo siya sa 35th PMPC Star Awards For Movies, sa Resorts World Performing Arts Theater, kung saan winner na Best Actor ang waswit niyang si Ogie Alcasid para sa pelikulang Kuya Wes.

Regine at Moira

Inurirat si Regine kung nagkaroon ba sila ng misunderstanding ng co-judge niya sa Idol Philippines ng ABS-CBN na si Moira dela Torre. Sa isang episode kasi ng Idol Philippines ay tipong nagkasagutan sila on air.

Nilinaw ni Regine na wala silang misunderstanding ng kapwa singer na si Moira, at hindi rin daw sila magkaaway.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Parang once lang naman nangyari ‘yun (ang pagsasagutan nila ni Moira),” esplika ni Regine.

Sa nasabing episode kasi ng Idol Philippines, pinuna ni Regine ang pare-parehong tunog ng mga contestant na parang sina Moira at Yeng Constantino, at sinabihan niya ang mga ito na hanapin ang kanilang unique voice.

Sumagot naman si Moira at sinabing mahirap daw talaga for an amateur singer na hanapin ang kanilang unique voice.

Paliwanag ni Regine sa entertainment press, pareho lang naman daw sila ni Moira na ine-express ang kanilang opinyon.

“Kanya-kanya kami ng opinyon, eh. That was my opinion and she was just trying to also… kumbaga, ipinagtatanggol niya. But unfortunately, I didn’t see it that way.

“But whatever happens in the Idol table stays in the Idol table,” sey pa ng Misis ni Ogie da Pogi.

Besides, parte raw talaga ito ng trabaho nila bilang judges. Gusto raw niyang maging honest bilang hurado, hindi para manakit ng feelings ng contestant or sirain ang mga pangarap nito.

“I wanted for them to be better, kaya kailangan kong maging honest. Hindi ko puwedeng sabihin na ‘okay lang’ pero hindi naman,” pagtatapos ng Asia’s Songbird.

Niwey, ang Idol Philippines ay napapanood tuwing Sabado at Linggo ng gabi, sa Kapamilya primetime, hosted by Billy Crawford.

-MERCY LEJARDE