Markulyo ni Hidilyn sa social media, sinilip ng PSC
HINDI kailanman nagkulang ng suporta ang gobyerno kay Hidilyn Diaz.
Ito ang mariing ipinahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez, kaugnay ng mga pahayag at paghinge ng tulong pinansiyal sa social media ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz para masustenihan ang pagsasanay at paglahok sa qualifying meet para sa minimithiong slots sa 2020 Tokyo Olympics.
Ayon kay Ramirez, suportado hindi lamang ng PSC si Diaz kundi pati na rin ng Philippine Air Force, ang kanyang mother unit bilang enlisted personnel.
“The government has been very supportive. Hidilyn receives support from the PSC and the Philippine Airforce being an enlisted personnel,” paglilinaw ni Ramirez.
Batay sa record ng PSC, sinabi ni Ramirez na si Diaz ang isa sa may pinakamalaking allowance na natatatanggap sa national team pool bunsod narin ng kanyang status bilang medalist sa quadrennial meet.
Aniya, sa taong 2019 nagbigay ang PSC ng halos 4.5 Million upang pondohan ang kanyang mga foreign trainings sa Hainan at Guangxi in China, bukod pa sa pagpapasweldo sa kanyang foreign coach na si Julius Kaiwen Gao kasama na ang food allowance nito.
Ang mismong hiling ng Weightlifting Association of the Philippines (WAP) para sa paglahok ni Hidilyn sa abroad ay aprubado na rin ng PSC Board. Naipagawa na rin ang bagong gymnasium batay na rin sa request ng pamosong weighlifter., gayundin ang kanyang NSA para sa pondo sa mga kompetisyon ay inaprobahan din ng Board, bukod sa bagong weightlifting gym na ipinagawa sa Rizal Memorial Sports Complex, matapos niyang hilingin na isaayos ang kanilang dating gym na pinageensayuhan.
Naipahayag ng 27-anyos na si Diaz na huling SEA Games na niya sa Nobyembre at umaasang makakamit ang No.2 sa kanyang category.
-ANNIE ABAD