CAREER ang dahilan kung bakit hiwalay na sina Iñigo Pascual at Maris Racal. Ito ang inamin ng dalaga sa panayam niya kay Boy Abunda sa programang Tonight with Boy Abunda nitong Lunes ng gabi.

MARIS

Diretsong tanong ni kuya Boy kung sinaktan BA ni Iñigo ang puso niya at sumagot kaagad si Maris ng, ‘yes po, pero okay na ako, past na po ‘yun!”

Paanong sinaktan kung hindi naman nagkaroon ng pormal na relasyon sina Maris at Iñigo?

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Mutual understanding ang terminong ginamit ng dalaga at inamin ding nagsasabihan na sila ng “I love you”.

Kuwentuhan tuloy ng mga katoto sa showbiz events na dinaluhan namin nitong Martes, “umasa si Maris? Pinaasa ni Iñigo? Hindi naman aasa ang babae kung walang ipinakita ang lalaki.”

Kasalukuyang nasa Amerika ngayon si Iñigo para sa international singing career at ayon sa kanyang handler na si Caress Caballero ng Cornerstone Talent Management ay matatagalan pa bago bumalik ng Pilipinas ang binata.

Kaya nagpadala kami ng ilang katanungan kay Caress para masagot ni Iñigo thru viber at habangi sinusulat namin ang balitang ito ay wala pa kaming nakuhang sagot.

Kaya sa supporters ng MarÑigo, abangan po ang sagot ni Iñigo dito sa Balita.

Samantala, abala rin si Maris sa kanyang singing career at teleseryeng Kapalaran kasama sina JM de Guzman, Arci Muñoz, Sylvia Sanchez, Joey Marquez at iba pa mula sa RSB unit.

-Reggee Bonoan