MAY aktor nang susunod kay Matteo Guidicelli na papasok sa Philippine Army at siya’y si Robin Padilla.

Robin copy

Sa kanyang post sa Instagram (IG), ipinaalam ni Robin sa publiko ang pagpasok niya sa Philippine Army.

May pahayag muna si Robin tungkol sa Mandatory ROTC at sabi niya: “We have to be trained militarily to defend our country. Support the mandatory ROTC. Samantalahin natin ang pagkakataon na wala pang dayuhang mananakop ang pumipigil sa karapatan nating maipagtanggol ang ating Inangbayan hindi lamang sa digmaan kundi sa kalamidad. #SupportMandatoryROTC.”

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

Sinundan ni Robin ang unang post ng isa pang post:

“Mga kabataang Pilipino sasamahan ko kayo mula umpisa hanggang sa huli. Papasok ako sa Philippine Army Reserve para sa inyo upang masundan ko ang bawat ninyong hakbang tungo sa kabayanihan. Saan man tayo makarating hindi ko kayo pababayaan! Tayo’y huhubugin ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas!

“Sabi nga ni Lt. Colonel Hal Moore: ‘I will always be the first one on the battle field, and I will be the last one to step foot off the battlefield. Not only will I be the last one off, I will not leave any of my soldiers behind.’

“Hindi tayo iiwan ng AFP at ni Mayor PRRD mga mahal na kabataan kaya’t tayo’y tumindig at bumangon nang nakataas ang dibdib at nakataas ang mga noo para sa Dios! Para sa Inangbayan! Para sa Kapwa Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang kagitingan ng ating lahi! Mabuhay ang Katipunan!”

Kahit si Mariel Rodriguez- Padilla ay pabor na ibalik ang Mandatory ROTC sa comment na: “Maganda ang Mandatory ROTC. Tama.” Sinagot ito ni Robin ng “babe” at emoji na bump fist.

Sa nabasa naming comments ng netizens, marami ang pabor na ibalik ang Mandatory ROTC at may nag-suggest pa ngang pati ang CAT ay ibalik din.

-NITZ MIRALLES