Pananatilihin na lang daw munang pribado ni Kapuso star Jillian Ward ang tungkol sa kaniyang buhay pag-ibig.
Ito ay sa gitna ng mga personalidad na patuloy na nauugnay sa kaniya. Sa kasalukuyan, ang latest na nali-link sa kaniya ay ang bagong Kapuso Sparkle artist na si Kobie Brown.
Pero sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, Hunyo 4, mas pinili na lang ni Jillian na huwag nang isapubliko pa ang lovelife niya.
“Recently, na-realize ko na I want to keep this part of my life na private. Kasi gusto ko rin pong maprotektahan ‘yong mga tao sa paligid ko, whether family ko ‘yon, or friends ko, or loved ones,” saad ni Jillian.
Dagdag pa niya, “Gusto ko na maging private siya para mas ma-cherish ko ‘yong mga connections ko, relationships ko, with people. And I want to protect their privacy.”
Sa kabila nito, nirerespeto naman daw ni Boy ang desisyong ito ni Jillian.
Anang King of Talk, “No matter how public we are, we have the right to say that…kasi anything that is public about a public person is public.”
Matatandaang bago pa man si Kobie, nauna nang naugnay si Jillian kina Raheel Bhyria, Eman Bacosa, at maging kay dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, na mariin naman niyang pinabulaanan.
Maki-Balita: Eman Bacosa, nagselos nga ba kay Raheel Bhyria?
Maki-Balita: 'Sobrang absurd!' Jillian Ward, bumoses na sa pagkakaugnay kay Chavit Singson