TORONTO (AP) — Handa ang kaisipan ng Toronto Raptors at kung pagbabasehan ang sitwasyon, nakalalamang sila sa Golden State Warriors – sa aspeto ng manpower.

Kumpiyansa ang Raptors na makakaya nilang malamangan ang Golden State sa 96 minuto ng NBA Finals, at muntik na nilang maisalba ang isang matindings pagsubok sa Game 2 kung saan nakabangon sila mula sa 12 puntos na paghahabol sa krusyal na sandali at maidikit ang iskor sa dalawang puntos tungo sa final buzzer.

Nakalusot lang ang Golden State sa three-pointer ni Andre Iguodala sa huling limang segundo ng laro tungo sa 109-104 desisyon.

Nakawala sa Raptors ang homecourt advantage ngayong lalaruin sa Golden State ang Game 3 at 4. Ngunit, nananatili ang kanilang paniwala na magagawa nilang maipanalo ang serye.

UAAP season 87 nagsimula na; Ateneo at UP, mauunang magbakbakan

“We fought back and we know that going towards Game Three we’ve got to play a lot better, and it’s going to be even harder on the road,” pahayag ni Raptors guard Fred VanVleet.

Kulang sa players ang Warriors, sa pagkawala ni Kevn Durant sa injury at hindi pa malinaw kung makababalik sa laro si KlayThompson na nagtamo ng hamstring injury sa Game 2.

“It swings so much. They’ve gone through it, too, when they were down 0-2 last series and won four straight games,” pahayag ni Iguodala.

“We won two games at home and went to Houston and lost two and everyone thought the world was ending, especially with our team. Certain things that we pick up along the way, that experience will help us with emotional swings from game to game in this series.”