PINATAOB ng Octagon ang Solid San Juan, 81-63, nitong Linggo para maitala ang ikalawang sunod na panalo sa 2019 Metro League 13-&-under boys basketball tournament sa San Juan Gym.
Kumubra sina Kyn Meneses Vicente at Joaquin Vicente Sison ng 13 at 12 puntos, ayon sa pagkakasuod para sandigan ang Octagon, nakaabante sa double digits sa matikas na 26-5 first quarter outburst.
Binubuo ng mga players mula sa AMA, nasundan ng Octagon ang natikas na panalo kontra Caloocan nitong Sabado para sa 2-0 marka sa torneo na itinataguyod ng Development Authority (MMDA), Philippine Basketball Association (PBA) at Barangay 143 as league presentor.
Nabigo naman ang Solid San Juan, kinatawan ng mga players ng La Salle-Greenhills, na masundan ang 66-49 panalo sa Makati sa opening day sa community-base league na suportado rin ng Synergy 88, World Balance, Excellent Noodles, San Miguel Corporation ay Manila Bulletin bilang media partner.
Naungusan naman ng Makati ang Caloocan, 56-54.
Kumasa sina Zachary Rodriguez at Neil Abequibal sa Makati sa naiskor na 17 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Iskor:
(Unang Laro)
Octagon (81)— Vicente 13, Sison 12, Lopez 11, Galindez 8, Tan 6, Valdeavilla 6, Guevarra 5, Maneja 4, Lugtu 2, Ebdane 2, Dizon 2, Herrera 0, Yu 0, Padolina 0
LSG — San Juan (63) — Gomez 16, Jugo 13, Tuason 6, Natividad 6, Hachuela 5, Maravilla 4, Alain 4, Nonato 4, Muyuela 3, Torres 2, Abellar 0, Reroma 0, Hizon 0, Villavicencio 0
Quarterscores: 26-5, 47-30, 60-45, 81-63
(Iikalawang Laro)
Makati (56) — Rodriguez 17, Albequibal 12, Concina 10, Bravo 5, Raymundo 4, Balicoco 4, Merida 2, Taylo 2, Gamulo 0, Nograda 0, Pana 0, Castallas 0, Custodio 0
Caloocan (54) — Alpuerto 9, Pangan 8, Sarmiento 8, Maligro 7, Perartilla 5, Hagos 4, Endaya 4, Colibao 4, Gloria 3, Espiritu 2, San Diego 0, Jerusalem 0, Teope 0, Cruz 0, Abelardo 0
Quarterscores: 17-15, 26-29, 36-48, 20-8