July 07, 2026

Home BALITA National

'Banning video games as a whole, I don't think that's a good solution!'—Sen. Bam

'Banning video games as a whole, I don't think that's a good solution!'—Sen. Bam
File Photo

Inalmahan ni Sen. Bam Aquino ang minamatahang solusyon sa pagba-ban ng mga bayolenteng online game sa mga bata matapos ilahad ng Malacañang sa publiko ang pagpabor dito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., dahil umano sa epekto ng mga ito sa mga menor de edad. 

Nakaladkad kasi ang isang online gaming app na “GoreBox” sa naganap na school shooting incident ng dalawang menor de edad na sina Rod at Nash sa loong ng kanilang paaralan sa San Jose National High School noong Hunyo 22, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: Mga batang edad 16 pababa, 'di dapat magkaroon ng 'unsupervised socmed access’—PPS

Dahil dito, pansamantalang ipinagbawal ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang paggamit ng GoreBox sa sa bansa dahil lumabas umano sa imbestigasyon ng kapulisan na lulong daw sa naturang online gaming app ang isa sa mga estudyanteng namaril sa nasabing paaralan.

KAUGNAY NA BALITA: CICC, pansamantalang ipagbabawal ang ‘GoreBox’

National

'Walang bise presidente na handang magpapatay ng presidente... ngayon lang!'—Luistro

Sa naging pahayag naman ni Aquino nitong Lunes, Hunyo 29, mariin niyang sinabing marami na raw mga pag-aaral ang nagpapakita ng walang kaugnayan ang mga video games sa insidente ng pamamaril ng dalawang menor de edad sa Tacloban. 

“Mas maraming studies na ginawa na nagsasabing walang correlation between video games and school shooting,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “Magpi-50 years na rin ‘yong mga video games, pero it’s always a convenient scapegoat sa tuwing may nangyayaring insidente ng karahasan.” 

Ani Aquino, marami raw na mga larong hindi akma para sa mga menor de edad at mas maganda raw sana na mas higpitan ang proseso para makagamit ang mga bata ng mature video games. 

“Maraming games na hindi pang-bata. Maybe what we can clarify is kung meron man mas maging strikto, dapat mas istrikto iyong access ng mga bata sa mga mature video games,” aniya. 

Paliwanag pa ng senador, “Dapat sa mga video game stores and online stores, medyo mas strikto rin yung ating rules pagdating sa mga bata at iyong pag-access nila sa mga mature video games.” 

Giit naman ni Aquino, sa tingin daw niya, hindi mabuting solusyon para sa pangkalahatan ang pagbabawal ng video games sa mga bata. 

“Pero banning video games in general or as a whole, I don't think that's a good solution to our problems,” tindig niya. 

Pagpapatuloy pa ni Aquino, tungkulin din daw ng developers ng mga larong pambata na mabantayan at ma-ban ‘yong mga nananamantalang “predators” na nagpapalaganap ng mga masasama nilang balak sa loob ng online games. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘Mananagot din sila!’ Sen. Risa, nadismaya sa pagtanggi ng GoreBox developer