July 17, 2026

Home BALITA Metro

Dalawang kontraktor, nasawi matapos ma-trap sa isang project site ng Maynilad

Dalawang kontraktor, nasawi matapos ma-trap sa isang project site ng Maynilad
Photo courtesy: Mark Balmores (MB)

Kinumpirma ng Maynilad ang aksidenteng pagkasawi ng kanilang dalawang kontraktor personnel na na-trap sa isa nilang excavation site sa Brgy. Pamplona Dos, Las Piñas City, noong Linggo, Hunyo 28. 

Batay sa pahayag ng Maynilad sa media nitong Lunes, Hunyo 29, ang nasabing insidente ay nangyari sa kanilang construction site para sa isang wastewater pumping facility, na parte ng Las Piñas Conveyance System Package 2. 

Binanggit pa ng Maynilad na sa kasalukuyan, nananatiling suspendido ang trabaho sa project site habang nagpapatuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad upang imbestigahan ang mga naging pangyayari. 

Samantala, ipinahatid ng Maynilad ang kanilang pakikiramay sa mga naulilang pamilya, kaibigan, at katrabaho ng mga nasawing kontraktor. 

Tiniyak din ng kompanya na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga pamilya upang mabigyan ng agarang tulong at suporta. 

Metro

‘Wala siyang kalaban-laban!’ Pamilya ng rider na nasawi sa pananaksak, humihingi ng hustisya