PATI si Lea Salonga ay napa-tweet ng, “Absolutely thrilled for this young woman! Yay, Morisette! And thanks to @AlMenken and #WillSmith for being so gracious and kind with my young friend.”

Will, Morisette at Alan

May kinalaman ang tweet ni Lea sa pakikipagkita ni Morisette sa Hollywood actor na si Will Smith at pakikipag-duet niya sa Disney composer na si Alan Menken. Si Will Smith ang gumanap sa role ng Genie sa Aladdin at si Alan Menken naman ang nasa likod ng ilang Disney hits.

Nauna rito, sina Morisette at Darren Espanto ang napiling kumanta sa local version ng A Whole New World para sa live-action version ng Aladdin at ginamit ang duet ng dalawa sa promotion ng pelikula bago ipalabas dito.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ang Walt Disney Studios Philippines ang nagdala kay Morisette sa Japan para matupad ang wish na ma-meet si Will Smith at maka-duet ang Disney composer na si Alan Menken.

Sa napanood naming video ni Morisette, nasa hotel pa lang, excited na siyang ma-meet sina Will at Alan. Doble tiyak ang tuwa ni Morisette dahil pagdating niya sa room ng meet up nila nina Will at Alan, ay sinalubong siya ng mahigpit na yakap ni Will.

Dapat kasama si Darren na lumipad sa Japan para makilala rin sina Will a Alan, pero hindi siya nakasama dahil may nauna na siyang commitment.

-NITZ MIRALLES