Golden State, rumesbak sa Toronto; serye, tabla sa 1-1

TORONTO (AP) — Pinakawalan ng Golden State Warriors ang impresibong 18 puntos sa third period tungo sa 109-104 panalo at maitabla ang best-of-seven NBA Finals kontra Toronto Raptors sa 1-1 nitong Linggo (Lunes sa Manila).

SPLASH BRO.! Muling nagpamalas ng kagitingan sina Klay Thompson at Stephen Curry para maipatas ng Golden State ang NBA Finals kontra Toronto sa 1-1. (AP FILE PHOTO)

SPLASH BRO.! Muling nagpamalas ng kagitingan sina Klay Thompson at Stephen Curry para maipatas ng Golden State ang NBA Finals kontra Toronto sa 1-1. (AP FILE PHOTO)

Kumana si Klay Thompson ng 25 puntos bago inilabas bunsod ng hamstring injury, ngunit ipinamalas ng Warriors ang pusong kampeon para maisalba ang matikas na ratsasa ng Raptors sa krusyal na sandali.

UAAP season 87 nagsimula na; Ateneo at UP, mauunang magbakbakan

Kumabig si Stephen Curry ng 23 puntos, kabilang ang krusyal na baskets sa dominanteng third period. Ngunit, sumandig ang Warriors sa krusyal na three-pointer ni Andre Iguodala – tulad nang mga nakalipas na pakikidigma ng Warriors.

Naisalpak ni Iguodala, may iniinda ring pananakit sa hita at balakang, ang three-pointer may 5.9 segundo ang nalalabi sa laro para selyuhan ang panalo ng Golden State matapos makabalik ang Raptors at maidikit ang iskor sa 104-106.

Nanguna si Kawhi Leonard sa Raptors sa naiskor na 34 puntos at 14 rebounds. Naitala nila ang limang sunod na panalo sa playoff bago ang Game 2.

Maging si Curry at tila may iniindang pananakit ng katawan nang ilang ulit itong naglabas pasok sa locker room, ngunit naging malapit ang suwerte sa Warriors, sa kabila ng patuloy na hindi paglalaro ng na-injured na si Kevin Durant.

Muling pinaglaro si DeMarcus Cousins, ilang linggong ipinahinga bunsod ng hamstring injury, at nagtala ng 11 puntos, 10 rebounds at anim na assists, habang kumana si Draymond Green ng 17 puntos, 10 rebounds at siyam na assists — isang assist ang kulang para sa ikaapat sanang sunod na triple-double.

Gaganapin ang susunod na dalawang serye sa Oracle Arena bago muling magbalik sa Canada para sa Game 5.

Ngunit, kailangang makapaghanda ang Warriors, higit at tinamaan ng injury ang mga star players. Bukod kay Durant at Thompson, nasideline din si backup center Kevon Looney.

Nag-ambag si Fred VanVleet ng 17 puntos para sa Raptors.

Umabante ng 11 puntos ang Toronto mula sa lay up ni Vab Vleet sa steal kay Curry. Ngunit nagawang maghabol ng Warriors at dalawang free throw ni Curry ang nagpalapit sa 54-59 sa halftime.

Naagaw ng Warriors ang bentahe sa limang sunod na puntos ni Iguodala, tampok ang three-pointer, 61-59. Nagpatuloy ang mainit na opensa ng Warriors at tuluyang naagaw ang momentum