July 23, 2026

Home SPORTS

'Pag may problema, siya 'yong malalapitan ko!' Audrey Biongcog, inalala si Rene Baterbonia

'Pag may problema, siya 'yong malalapitan ko!' Audrey Biongcog, inalala si Rene Baterbonia
Photo courtesy: Audrey Biongcog (FB), Rene Baterbonia (FB)

Nagkomento ang Filipina basketball player na si Audrey Biongcog tungkol sa pagkakakilala niya sa kapuwa niya Palarong Pambansa athlete at pumanaw na si Rene Clert Baterbonia. 

Matatandaang nauna nang opisyal na inanunsyo ng Ateneo de Manila University ang pagpanaw nina Baterbonia at Adili sanhi umano ng pagkalunod ng dalawa sa isinagawang team-building ng kanilang kupunan sa Dipaculao, Aurora, noong Lunes, Hunyo 8, 2026.

KAUGNAY NA BALITA: 'Is it just a team building?' Netizens, umalma sa pagkalunod nina Baterbonia at Adili!

Sa naging pahayag ni Biongcog sa panayam sa kaniya ng media nitong Miyerkules, Hunyo 10, sinabi niyang sobrang mabait daw si Baterbonia at ito raw ang natatakbuhan niya kapag nagkakaroon siya ng problema. 

“Si Rene po naman, sobrang bait niya po talaga. As in kapag may problema, siya ‘yong malalapitan ko po talaga,” pagsisimula niya. 

Mantra ni Alex Eala: ‘Wag magduda!

Ani Biongcog, tila “kuya” o nakakatandang kapatid na raw ang turing niya kay Baterbonia. 

“Parang kuya-kuya ko lang din siya,” aniya. 

Pagpapatuloy ni Biongcog, sana raw malaman ng publiko ang totoong sinapit ni Baterbonia nang malunod siya at si Adili sa isinagawa nilang team building sa Aurora noong Lunes. 

“Sobrang sipag talaga na bata and sobrang bait lang talaga. Sana po, someway, malaman ‘yong what happened talaga,” pagtatapos niya. 

Habang sinusulat ito, nasa Arlington Memorial Chapels and Crematory sa Quezon City, Metro Manila, na ang mga labi ni Baterbonia habang inaasikaso umano ng kaniyang pamilya ang pagbabalik niya sa Talacogon, Agusan del Sur. 

Nasa nabanggit na chapel din ang mga labi ni Adili habang umaapela ang kaniyang pamilya na ilipad siya pabalik sa bansang Nigeria.

KAUGNAY NA BALITA: Aurora police sa pagkalunod nina Rene at Divine: 'Purely accident, hindi inaasahan!'

KAUGNAY NA BALITA: Huling pangako ni Rene Baterbonia: 'Iaahon ko aking pamilya sa kahirapan!'