July 23, 2026

Home BALITA

22 Pinoy trafficking victims sa Cambodia, naiuwi na sa bansa

22 Pinoy trafficking victims sa Cambodia, naiuwi na sa bansa
Photo courtesy: DMW/FB


Ligtas nang naiuwi sa Pilipinas ang 22 Pilipinong biktima ng human trafficking sa bansang Cambodia, ayon sa ulat na ibinahagi ng Department of Migrant Workers (DMW) noong Miyerkules, Hunyo 10.

Batay sa impormasyong inilatag ng DMW, ang pagpapauwi sa mga Pinoy na nabanggit ay base sa direktibang ibinaba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na siguruhin ang kapakanan at kaligtasan ng mga Pilipino sa ibayong dagat.

Anang DMW, agad na hinandugan ang mga biktima ng health assessment at medical assistance matapos nitong makauwi sa bansa.

Nagbahagi rin ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng transportation at temporary accommodation services; habang legal na tulong naman ang dala ng DMW Protection Bureau at Inter-Agency Council Against Trafficking members para sa kanila.

Pagbabahagi ng departamento, ang inisyatibong isinagawa para sa mga nabanggit na Pinoy sa Cambodia ay isang repleksyon ng hangarin at adhikain ng pamahalaan na tiyaking makauuwi ang mga “distressed Filipinos” sa ibang bansa at siguruhing matutulungan silang makabangon.

2 PH Navy na pinukpok sa ulo ng CCG, makatatanggap ng tig-₱100k!