Noong Abril 2026, ginulat ng Artemis II mission ang sangkatauhan, matapos nitong matagumpay na marating ang “far side” ng Buwan, na hindi pa nararating ng kahit sino sa mundo.
Maliban dito, makasaysayan din ang narating na distansya ng misyon, matapos nitong kabugin ang layong narating ng Apollo 13 noong taong 1970.Narating kasi ng Artemis II crew ang 252,757 milyang layo mula sa daigdig—na maituturing bilang pinakamalayong distansyang naabot ng tao mula sa Earth.
Mas malayo ito ng 4,102 milya kumpara sa dating record ng Apollo 13 noong 1970, na umabot sa 248,655 milya.
Naging posible ito dahil sa husay ng apat na astronaut ng Artemis II mission na sina Reid Wiseman, Victor Glover, Christina Koch, at Jeremy Hansen.
MAKI-BALITA: Artemis II, narating higit 200k milyang layo sa Earth; kinabog Apollo 13 record noong 1970-Balita
Ngunit noon lamang Martes, Hunyo 9, nagpakilala ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng apat pang magigiting na astronaut, na siyang mangangasiwa sa misyon ng Artemis III.
Sino-sino ba ang mga napiling astronaut para sa Artemis III mission?
Sa anunsyong ibinahagi ng NASA, pinili nila sina Randy Bresnik, Frank Rubio, Andre Douglas at European Space Agency's Luca Parmitano upang pangunahan ang misyon.Hindi tulad ng Artemis II, ang layon ng misyon ng Artemis III ay uminog sa orbit ng Earth.
RANDY BRESNIK
Si Randy Bresnik ay isang NASA astronaut simula pa noong 2004.
Natanggap niya ang kaniyang komisyon bilang Second Lieutenant ng US Marine Corps mula sa Naval Reserve Officer Training Corps sa “The Citadel” noong 1989.
Siya rin ay may honorary doctorate sa Aeronautics, na natanggap niya noong 2010.
Siya ang magsisilbing commander ng Artemis III mission.
FRANK PARMITANO
Si Luca Parmitano ay nagtapos sa Liceo Scientifico Statale “Galileo Galilei” noong 1995 sa Catania, Italy.
Natapos niya ang kaniyang basic flight training kasama ang US Air Force sa Euro-NATO Joint Jet Pilot Training sa Sheppard Air Force Base, Texas, United States noong 2001.
Nagsilbi rin siya bilang Chief of Training Section at commander ng 76th Flight.
Siya ang magiging piloto ng Artemis III mission.
ANDRE DOUGLAS
Si Andre Douglas ay nagmula sa Miami, Florida, na pinili ng NASA upang makilahok sa 2021 Astronaut Candidate Class.
Nagtapos siya sa Western Branch High School sa Chesapeake, Virginia sa kursong Bachelor of Science in Mechanical Engineering.
Napili rin si Douglas noong 2024 bilang backup crew member ng katatapos lamang na Artemis II mission noong Abril.
Si Douglas ay maninilbihan bilang mission specialist sa nasabing misyon.
FRANK RUBIO
Si Frank Rubio ay isinilang sa Los Angeles, California, sa Estados Unidos.
Si Rubio ay napili ng NASA na makilahok sa 2017 Astronaut Candidate Class at sinimulan ang kaniyang duty sa Johnson Space Center noong Agosto ng parehong taon.
Siya ay naging miyembro ng West Point Parachute Team na “Black Knights.”
Maituturing siyang “Jumpmaster” na mayroong higit 650 freefall skydives, PRO-rating, at D-license holder.
Nagsilbi rin si Rubio na Class Advisor sa NASA Astronaut Candidate Class of 2025.
Sa Artemis III mission, maninilbihan siya bilang isang mission specialist.