Ilang minutong nagkaaberya ang isang tren ng Light Rail Transit – 1 (LRT-1) sa area ng Maynila ngayong Lunes, na natapat sa kasagsagan ng rush hour sa unang araw nang pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral ngayong School Year 2019-2020.

LRT_ONLINE

Sa abiso ng LRT-1, isang tren ang nagkaroon ng problema sa bahagi ng Pedro Gil station southbound kaya napilitang magpatupad ng 15kph speed restriction sa biyahe ng kanilang mga tren, bandang 7:59 ng umaga.

Makalipas ang ilang minuto ay pansamantala na ring itinigil ng LRT-1 ang operasyon ng mga tren mula Baclaran to Roosevelt upang maiayos ang depektibong light rail vehicle (LRV).

Nag-deploy din ang LRT-1 ng mga technicians upang ayusin ang nagkaaberyang tren.

CPP-NPA, iginiit na 10 lang ang miyembro sa 19 na napatay ng militar; 9 katao, sibilyan!

"A 15kph speed restriction has been put in place from Baclaran to Roosevelt. Technician is already on board working the fault of affected LRV. Please allow additional travel time of about 8 minutes," abiso ng LRT-1.

"A stop for safety has been put in place from Baclaran to Roosevelt. Technician is already on board working the fault of affected train located at Pedro Gil- Southbound. Please allow additional travel time of about 15 minutes," dagdag pa nito.

Sa ganap na 8:19 ng umaga, naibalik sa normal ang biyahe sa LRT-1.

-Mary Ann Santiago