MAAGANG kumawala ang opensa ng Paranaque tungo sa dominanteng 84-67 panalo kontra Rizal sa Community Basketball Association (CBA) Pilipinas Founders Cup kamakailan sa San Andres Sports Complex sa Malate.

UMIGPAW na animo’y may pakpak sa ere si Dhon Reverente ng Team Paranaque para makumpleto ang fast break play kontra Rizal sa Community Basketball Association (CBA) Founders Cup.

UMIGPAW na animo’y may pakpak sa ere si Dhon Reverente ng Team Paranaque para makumpleto ang fast break play kontra Rizal sa Community Basketball Association (CBA) Founders Cup.

Kumubra ng pinagsamang 53 puntos sina Dhon Reverente, Pao Castro at Josh Almajeda para makopo ang impresibong panalo.

Tumapos si Reverente na may 20 puntos, siyam na rebounds, limang assists, apat na steals at dalawang blocks, habang kumana si Castro ng 12 puntos, habang tumipa si Almajeda ng 11 puntos, walong rebounds, at walong assists para sa Bagong Parañaque.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Nanguna si Kervin Lucente sa Rizal na may 10 puntos, tampok ang 5-of-5 shooting, habang humugot si Dennis Santos ng 19 puntos at 10 rebounds.

Sa iba pang laro, ginulantang Manila ang Pasigueño, 112-84, at dinaig ng San Juan ang Quezon City, 82-72.

Hataw si Almel Orquina na may 20 puntos at kumubra si Ken Acibar ng 19 puntos, at 10 rebounds para sa Manila, umabante sa pinakamalaking 32 puntos.

Kumana si Francis Ronquillo ng 18 puntos, anim na rebounds at dalawang assists para sa Pasigueño.

Sumandig ang San Juan kina Jhonard Clarito (14 puntos, 11 rebounds) at Joseph Marquez (13 puntos, 15 rebounds).

Iskor:

(Unang Laro)

Bagong Parañaque (84) - Reverente 20, Castro 12, Almajeda 11, Lucente 10, Rabe 7, Prado 6, Saguiguit 5, Apreku 4, Salaveria 4, Mangalino 3, Begaso 2.

Rizal (67) -- Santos 19, Estrella 15, P. Lucas 14, Ilac 8, Mag-isa 6, Rivera 3, J. Lucas 2.

Quarterscores: 15-19, 44-40, 65-53, 84-67

(Ikalawang Laro)

Manila (112) -- Orquina 20, Acibar 19, Canelas 17, Yu 16, Tubera 7, Mendoza 6, Ballon 6, Escosio 6, Aspiras 5, Marangan 4, Martinez 4, Nitafan 2.

Pasigueño (84) -- Ronquillo 18, Fajardo 13, Chavenia 11, Clarences 11, Rodriguez 10, Trinidad 6, Malinao 6, Gallano 5, Jacinto 4.

Quarterscores: 21-18, 49-37, 82-a66, 112-84.

(Ikatlong Laro)

San Juan (82) -- Clarito 14, Marquez 13, Bonifacio 13, Victoria 12, Garcia 10, Buñag 9, Saret 5, Reyes 4, Acol 2, Ubalde 0, Lugo 0.

Quezon City (72) -- Derige 17 Barua 16, Mabayo 12, Tayongtong 9, Medina 9, Castro 5, De Guzman 4, Santiago 0.

Quarterscores: 26-16, 43-32, 65-58, 82-72.