NAKALULUNGK O T na hindi na naman pinalad sa takilya ang tatlong pelikulang Pinoy na ipinalabas nitong Miyerkules, ang Finding You, Banal, at Quezon’s Game, matapos silang padapain ng foreign film na Godzilla II, habang humahataw pa rin ang Aladdin at John Wick 3, na ilang linggo nang nasa mga sinehan.

Raymond sa 'Quezon's Game' copy

Nilibot namin ang mga paborito naming sinehan sa Quezon City para alamin kung ano ang malakas sa takilya, tulad sa Robinson’s Magnolia, but sad to say, walang Pinoy movies na palabas. Sa Eastwood Mall ay wala ring local films, habang sa Eastwood Citywalk ay Quezon’s Game lang ang meron, na okay naman daw, sabi ng takilyera.

Sa Trinoma Cinemas ay Quezon’s Game raw ang mas pinapasok, at may limang screening ito, kumpara sa Finding You, na dalawa na lang, habang wala nang screening ang Banal.

Tsika at Intriga

KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita

An g Ga t ewa y C i n e m a s , n a paboritong panooran ng mga estudyante at senior citizens, ay Quezon’s Game ang malakas at kumpleto rin ang screening time kumpara sa Banal at Finding You, na tig-isa na lang ang screening time.

At take note, palabas pa ang Kuwaresma ni Sharon Cuneta, huh.

“Ang sakit, ‘di ba?” sabi sa amin ng isang kilalang direktor. “’Yung ilang gabi n’yong trinabaho, pre-prod, shooting at post prod, ilang buwan ‘yun, tapos ang resulta, waley?

“Pros and cons talaga ang maraming platforms. Tulad sa Netflix, ilang buwan lang mapapanood na. Kaya ‘yung iba, bakit kailangan pang gumastos ng P300, eh, mapapanood mo naman do’n. May bayad na 500 plus, pero lima naman kayong maghahati sa bayad. O kaya sa iWant, bayad ka lang ng P30 mapapanood mo na rin.”

Ito rin ang reklamo ng ilang kausap naming nagtitinda ng DVD, malaki raw ang nawala sa kita nila dahil sa Netflix.

“Ang bumibili na lang po sa amin ‘yung walang Internet, kasi hindi naman sila makapag-download ng Netflix. Saka kung meron man silang data, malakas daw kumain,” kuwento sa amin ng ilang nagtitinda ng DVD.

Hindi naman pupuwedeng sabihing kulang sa promo ang local films, dahil kumpleto sila mula TV, radyo, print media at social media. Sadyang namimili talaga ang mga tao ngayon ng gusto na lang nilang panoorin, at higit sa lahat kung sino ang gusto nilang artista, at siyempre ang kuwento na rin.

Anyway, nakatulong ba na hindi namigay ng MTRCB deputy card si Chairperson Rachel Arenas sa maraming media practitioners na mahilig mag-review ng local films, na nagiging basehan din ng ilang moviegoers kung papanoorin nila ang pelikula o hindi?

Ito kasi ang naisip ng karamihang katoto na hindi nabigyan ng deputy card, baka makadagdag sila sa kita ng pelikula kapag nagbayad sila.

-Reggee Bonoan