May 13, 2026

Home BALITA National

Rep. Chua, nagpatutsadang 'puro satsat' si VP Sara!

Rep. Chua, nagpatutsadang 'puro satsat' si VP Sara!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Bumuwelta ang miyembro ng House Committee on Justice at Manila City 3rd District Representative na si Rep. Joel Chua kay Vice President Sara Duterte na puro satsat lang daw ang huli. 

Kaugnay ito sa natapos na ikatlong pagdinig ng House Committee on Justice noong Miyerkules, Abril 22, 2026, tungkol sa mga impeachment complaint na kinakaharap ng Bise Presidente.

Matatandaang isa si Chua sa mga nagbigay ng komento nang naganap noon na pagdinig matapos ilatag ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na may kabuuang mahigit 630 covered transaction reports (CTRs) at 33 suspicious transaction reports (STRs) na may kaugnayan umano kay VP Sara at sa kaniyang asawang si Manases Carpio.

KAUGNAY NA BALITA: Higit ₱6B-covered at suspicious transactions ni VP Sara, mister kumpirmado!—AMLC

Idagdag pa ang paglalatag ng Office of the Ombudsman ng kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na isinumite ni VP Sara sa mga nakaraang taon at napag-alaman nilang makikita na mula taong 2019 hanggang 2024 ay nakasaad na “None” sa bahagi ng cash on hand/bank sa kaniyang SALN.

National

'Maghintay lang sila:' Sen. Bato, sumagot sa 5 senador na pinapasuko siya!

KAUGNAY NA BALITA: SALN ni VP Sara, inilantad; 2019-2024 walang cash on hand, bank deposits!

Ayon naman sa naging pahayag ni Chua sa isang panayam sa kaniya noong Biyernes, Abril 24, pinatutsada niyang puro daw satsat si VP Sara. 

“Puro naman siya satsat, wala naman siyang totoong sagot,” pagsisimula niya, “Ang sagot niya, dapat doon sa Committee hindi sa media dahil wala namang magagawa ‘yong kaniyang puro press release, e.” 

Ani Chua, dapat daw na direktang sagutin ni VP Sara ang mga isyu sa confidential funds, SALN, at ill gotten wealth nauugnay sa huli. 

“Ang totoo niyan, sagutin niya ‘yong isyu sa kaniya sa confidential funds, ‘yong isyu sa kaniya sa ill gotten wealth. Ito na ‘yong proper forum, e. Dahil right form the very beginning, instead na sagutin nila kami, puro TRO ang sinasagot nila sa amin,” aniya, 

Pagpapatuloy niya, tila raw kasi may tinatago o ayaw sagutin ang kampo ni VP Sara sa kabila ng maliwanag na inilabas na mga numero ng AMLC at sinabi ng huli ng isang bilyonaryo ang Bise Presidente. 

“So parang mayroon silang mga tinatago, may mga ayaw silang sagutin na issue. Maliwanag naman, simple lang ‘yan. Sagutin nila ‘yong mga sinasabi at numero na nilalabas ng AMLC o sagutin nila ‘yong issue pagdating sa zero cash at saka cash deposit sa SALN,” saad niya. 

“Kasi ang lumalabas, base sa AMLC, ay bilyonaryo si VP Sara, hindi siya pobre,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na direktang tugon, reaksyon, o pahayag si VP Sara kaugnay sa naging patutsada ni Chua. 

KAUGNAY NA BALITA: Kampo ni VP Sara, nanawagan sa publiko: 'Hintayin nila kami!'

KAUGNAY NA BALITA: Resbak ni VP Sara: 'Ang mga totoong magnanakaw, hindi sa bangko pinapasok ang pera—kundi sa maleta!'