May 21, 2026

Home BALITA National

'Kita n'yo nangyari sa akin?' Harry Roque, may payo sa 'ginigipit' na si Mike Defensor

'Kita n'yo nangyari sa akin?' Harry Roque, may payo sa 'ginigipit' na si Mike Defensor
Photo courtesy: File Photo

Pinayuhan ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque si dating Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na lumaban sa gitna ng panggigipit umano sa kaniya ng pamahalaan. 

Matatandaang kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Biyernes, Abril 24, 2026, ang pagsasampa nila ng kaso laban sa mag-ina ni Defensor na sina Julie Rose at anak niyang si Miguel Gabriel Defensor dahil sa paglabag umano ng mga nabanggit sa human trafficking at possession of illegal drugs.

Nag-ugat ang mga reklamo matapos ang naging pagsalakay ng NBI sa isang disco bar kung saan nasagip nila ng 54 na kababaihang sinasabing binibiktima umano ng modus nilang sexual exploitation.

KAUGNAY NA BALITA: Mag-ina ni Mike Defensor, kinasuhan ng human trafficking ng NBI!

Ayon sa naging pahayag ni Roque sa isinagawa niyang Spox Hour sa kaniyang social media noong gabi rin ng Biyernes, tila sunod-sunod na mga batikos ang binato niya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Aniya, dinagdagan pa raw ng Pangulo ang maraming “matitinding pagsubok” na kinakaharap ng Pilipinas at ginigipit pa ng huli ang mga kritikong tumutuligsa sa kaniya.

“Sa kabila ng napakaraming pagsubok, dinagdagan mo pa ang mga matitinding pagsubok dahil sa mula’t mula, wala ka namang magawang solusyon sa bayan. Tapos ang iyong kasagutan, gipitin lahat ng mga kritiko mo,” pagsisimula niya. 

Ani Roque, tila raw nakakaramdam siya ng sama ng loob para sa nararanasan ni Defensor. 

“Ngayon ang ginipit na naman ang pamilya ni Mike Defensor. I can only feel [bad] for Mike Defensor. Pero sana, alam n’yo naman, that’s an assumed risk,” aniya. 

Pagkukumpara ni Roque sa nangyari sa kaniya, hindi na nga raw siya makauwi ng Pilipinas sa loob ng dalawang taon dahil sinampahan siya ng mga “pekeng” kaso dahilan para mawalan siya ng hanapbuhay. 

“Kita n’yo ang nangyari sa akin, magdadalawang taon na akong wala sa Pilipinas dahil dinikdik, sinampahan ng mga pekeng kaso. Ayan nawalan ng hanapbuhay na halos dalawang taon na. Napakahirap ng buhay pero paninindigan natin ‘yan,” diin niya. 

Pagpapatuloy niya, kailangan daw tanggapin ni Defensor ang “panggigipit” sa kaniya at lumaban pa rin siya sa kabila nito. 

“Kaya ikaw, Mike Defensor, tanggapin mo ‘yan na talagang pahihirapan ka at lalaban pa rin despite sa pagpapahirap nila gaya ng ginagawa natin ngayon,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Julie Defensor, iginiit na ibaling sa mister ang pamomolitika sa kanila at hindi sa pamilya!

KAUGNAY NA BALITA: 'Zaldy Co, kumuha ka ng asylum dahil papatayin at papatayin ka!'—Atty. Roque