May 22, 2026

Home BALITA National

'Zaldy Co, kumuha ka ng asylum dahil papatayin at papatayin ka!'—Atty. Roque

'Zaldy Co, kumuha ka ng asylum dahil papatayin at papatayin ka!'—Atty. Roque
Photo courtesy: File Photo

Mariing pinayuhan ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co na kumuha na raw siya ng asylum bilang proteksyon laban sa mga taong nagnanais siyang manahimik. 

Base sa depinisyon ng United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR), ang asylum ay isang uri ng legal na proteksyon ng isang bansa sa isang dayuhan na tumatakas sa panganib o pag-uusig sa sarili niyang bansa. 

Matapos ito nang ipaliwanag ng Department of Justice (DOJ sa publiko na hindi umano “technically” o literal na naaresto ng Czech Republic si Zaldy Co at sinabi nilang wala pa raw silang tiyak na impormasyong makakapagturo sa kinaroroonan ng dating mambabatas ngayon. 

Tila taliwas ito sa naging personal na pag-uulat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., noong Abril 16, 2026, na “nahuli” na raw ng Czech Republic si Co dahil hindi pinayagan ang huli na makapasok sa border ng Germany. 

KAUGNAY NA BALITA: DOJ, inaming 'di ‘technically’ inaresto ng Czech si Zaldy Co

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Ayon naman sa naging pahayag ni Roque sa isinagawang Spox Hour sa kaniyang social media account noong gabi ng Biyernes, Abril 24, sinabi niyang alam naman daw ng publiko na ang Pangulo mismo ang tinuturo ni Co bilang “mastermind” ng mga maanomalyang flood control projects. 

“Alam naman natin, gaya ng sinabi ni Zaldy Co, ang mastermind talaga sa nakawan diyan sa DPWH, sa mga flood control projects, ay ang Presidente mismo,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “Na noong minsan ay nag-insert ng 100 billion at si Zaldy Co mismo ang nag-deliver ng 25 billion.” 

Payo ni Roque kay Co, dapat daw na kumuha na siya ng asylum sa bansang kaniyang kinaroroonan dahil papatayin daw siya ng mga taong gusto siyang manahimik. 

“Ang aking payo kay Zaldy Co, kumuha ka na ng asylum, Zaldy Co, nasaan ka man. Dahil papatayin at papatayin ka noong mga gustong magpatahimik sa iyo, dahil ikaw ang tatayong testigo sa kanilang korapsyon,” pagtatapos niya. 

Samantala, wala namang binaggit na mga indibidwal si Roque kung sino ang mga nagnanais magpatahimik kay Co. 

KAUGNAY NA BALITA: DOJ sa kinaroroonan ni Zaldy Co sa Czech Republic: 'I have no specific answer yet as of now'