May 22, 2026

Home BALITA National

DOJ sa kinaroroonan ni Zaldy Co sa Czech Republic: 'I have no specific answer yet as of now'

DOJ sa kinaroroonan ni Zaldy Co sa Czech Republic: 'I have no specific answer yet as of now'
MB file

Ibinahagi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Fredderick Vida na wala pa silang malinaw na impormasyon kung nasaan si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co sa Czech Republic.

"That is something that I have no specific answer yet as of now," saad ni Vida sa kaniyang panayam sa mga mamamahayag sa Prague, Czech Republic nitong Biyernes, Abril 24 (oras sa Pilipinas).

"I have no relevant and validated information... I don't want to speculate because that will lead to misinformation," dagdag pa niya.

Nilinaw din ni Vida na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Czech Republic ang dating mambabatas, ayon sa impormasyon na nakalap nila bago magtungo sa nabanggit na bansa.

"Ito po ay batay sa mga impormasyon na available sa amin bago po kami bumiyahe papunta rito," anang Kalihim. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

"Ang naunang pakikipag-ugnayan na nakalap natin ay mula roon sa mga immigration counterpart saka 'yong police counterpart ng ating iba't ibang ahensya sa Pilipinas," dagdag pa niya. 

Kasalukuyang nasa Czech Republic si Vida upang makipagpulong sa mga awtoridad ng naturang bansa kaugnay sa pagpapauwi kay Co.

Matatandaang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos mismo ang nagkumpirma sa pagkakahuli kay Co sa pamamagitan ng paglalabas niya ng pahayag sa kaniyang Facebook post noong gabi ng Huwebes, Abril 16, 2026.

Aniya, hindi pinayagang makapasok sa border ng Germany si Co kaya raw pinabalik at nahuli ng mga awtoridad ng Czech Republic.

MAKI-BALITA: Zaldy Co, 'di pinapasok ng Germany kaya natiklo ng Czech—PBBM

Ayon naman sa inilabas na bagong video statement sa kaniyang Facebook page noong Lunes, Abril 20, sinabi niyang nananatili pa rin si Co sa kustodiya ng mga awtoridad ng Czech Republic.

MAKI-BALITA: 'We will bring Zaldy Co home in accordance with the law!'—PBBM

Samantala nito ring Biyernes, naunang ipinaliwanag ng DOJ sa publiko na hindi umano “technically” o literal na naaresto ng Czech Republic si  Co.

Maki-Balita: DOJ, inaming 'di ‘technically’ inaresto ng Czech si Zaldy Co

"For analogy, it’s similar to a situation in the airport where the person arrives and immigration denies entry or excludes the person,” saad ni  DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez.  

Ani Martinez, hindi raw “technically” inaresto ng mga awtoridad ng Czech Republic si Co ngunit may pangyayari daw na na-deprive ang kaniyang kalayaan. 

“Technically, not arrested but there is a deprivation of liberty to a certain degree,” paglilinaw niya.