Tahasang dumipensa ang misis ng dating kongresistang si Mike Defensor na si Julie Defensor hinggil sa kasong isasampa sa kaniya at sa kaanak nila ng National Bureau of Investigation (NBI).
Sa inilabas niyang pahayag nitong Biyernes, Abril 24, 2026, iginiit niyang wala raw basahen at pawang malisyoso lamang ang iniuugnay na mga kaso laban sa kaniya at sa kaniyang anak na si Miguel Defensor.
"I am issuing this statement to categorically and forcefully deny the baseless, malicious allegations directed at me, my daughter and our associated business," ani Julie.
Saad pa ni Julie, isa lamang daw itong pag-aatake sa kanila dahil sa kaugnayan nito kay Mike Defensor na kilalang tagasuporta ng pamilya Duterte na kalabang paksyon ng kasalukuyang administrasyon.
Bunsod umano ng nasabing gawa-gawang mga kaso, libong mga inosenteng manggagawa raw ang mawawalan ng trabaho.
“Because of these political attacks, approximately 1,000 hardworking employees across various companies have abruptly lost their jobs—simply due to a perceived association with my husband, Mike. These are 1,000 families stripped of their livelihoods in the middle of a crisis. It is unconscionable that innocent workers are being sacrificed as pawns in someone else's political vendetta,” ani pa ni Julie.
Nag-ugat ang mga reklamo matapos ang naging pagsalakay ng NBI sa isang disco bar kung saan nasagip nila ng 54 na kababaihang sinasabing binibiktima umano ng modus nilang sexual exploitation.
KAUGNAY NA BALITA: Mag-ina ni Mike Defensor, kinasuhan ng human trafficking ng NBI!
May mensahe rin si Julie paraumano sa mga nangdidiin sa kanila bunsod ng galit sa kaniyang mister.
“I address Atty. Matibag directly: if you have a political or personal grievance with Mike, have the courage to resolve it with him directly. Stop using me, our daughter, and hundreds of innocent, displaced workers as collateral damage in a dispute that has nothing to do with us,” aniya pa.
Isa ang dating mambabatas sa mariing na sumusuporta sa 18-ex Marines na nagsiwalat ng umano’y mga sangkot na politikong nakatanggap ng male-maletang pera ng korapsyon.
MAKI-BALITA: Dating mga kasamahan umano ni Orly Guteza sa pagdadala ng male-maletang pera, lumantad!