HINDI lang puso ni Sahaya (Bianca Umali) ang nalilito, dahil maging ang mga tagasubaybay ng GMA epic-drama serye na Sahaya ay litung-lito na rin kung sino nga ba kina Ahmad (Miguel Tanfelix) o Jordan (Migo Adecer) ang nababagay sa dalaga.

Bago kasi lumuwas sa Maynila si Sahaya, mukhang buo na ang loob niya na tanging si Ahmad lang ang kaniyang iibigin, subalit nang makilala niya ang taga-siyudad na si Jordan ay mukhang nagulo ang isip at puso ng dalaga.

Katwiran ng mga #TeamJordan, ang binata raw ang naglagay sa ayos sa buhay ni Sahaya, kaya dapat lang na kay Jordan mapunta ang dalaga.

Giit naman ng #TeamAhmad, kahit na mahirap ang binata, malaki raw ang isinakripisyo nito para sa kabutihan ni Sahaya.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Tutukan kung kanino nga ba mapapasakamay ang puso ng dalagang Badjao na si Sahaya, sa primetime series ng GMA-7.

-MERCY LEJARDE