PAKITANG gilas si Auckland, New Zealand-based Jun Isaac sa pagbubukas ng 2019 National Seniors Chess Championships kahapon sa Philippine Academy for Chess Excellence (PACE) No. 56 Mindanao Avenue sa Project 6, Quezon City.

Ang 75-anyos na kapatid ni dating PBA star at coach na si Leo Isaac, ay nagwagi kontra ex- olympian Woman Candidate Master (WCM) Imelda Flores tangan ang black pieces matapos ang 30 moves ng Pirc defense.

“The first round is one of the toughest rounds in any tournament. It usually sets the tone of how you’re going to perform,” sambit ni Isaac.

Siya ang pinakamatandang kalahok sa 12 player’s field, single round-robin na ipinatupad ang standard time control format.

19-anyos na Pinay tennis player, umariba sa Miami Open; pinataob world's no. 2

“For the love of chess, that’s why I joined the competition,” ani pa Isaac na tubong Project 6, Quezon City.

Nagtala rin ng magkakahiwalay na panalo sa Round 1 sina 8-times Illinois, USA chess champion International Master (IM) Angelo Abundo Young, National Master (NM) Efren Bagamasbad, National Master Allan Sasot at Eduardo Tunguia.

Binasura ni Young si Agripino Camposano matapos ang 46 moves ng Colle System, angat si Bagamasbad kay Eduardo Madrid matapos ang 30 moves ng Sicilian defense, pinayuko ni Sasot si Vic Alfaro matapos ang 32 moves ng London System Opening habang winalis ni Tunguia si Felix Duterte matapos ang 58 moves ng isa pang Pirc skirmish.

Nauwi naman sa tabla ang laban nina World’s First Fide Master Adrian Ros Pacis at Edgar “Bote” Bautista matapos ang 31 moves ng Sicilian defense.

Mismong si Asia’s First Grandmaster Eugene Torre at Woman International Master candidate Jerlyn Mae San Diego ang nagsagawa ng ceremonial moves kasama sina Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna at Tournament Director Grandmaster Jayson Gonzales bilang hudyat ng pagsisimula ng torneo.