SA mga fighting scenes ni Angel Locsin sa teleseryeng The General’s Daughter, ilang beses na siyang nabukulan, nagkaroon ng black eye, na hindi naman maiiwasan dahil makatotohanan ang mga eksena, na ayaw din naman ng aktres na magpa-double.

Angel copy

Bukod dito, nakagat pa ng aso si Angel kamakailan, at ipinost din niya ang tungkol dito.

Hindi na namin babanggitin ang mga pangalan ng mga sumusubaybay sa The General’s Daughter na taga-ibang TV network, dahil napuputukan daw sila sa kasusulat ko. Ha, ha, ha!

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Anyway, bilib sila kay Angel dahil hindi raw talaga nagpapadobol ang aktres hanggang kaya niya ang mga delikadong eksena. Nabanggit na ilang beses nang isinugal ng aktres ang buhay niya, tulad nu’ng pumailalim siya sa truck, dahil mamali lang nang konti ang hawak niya ay posibleng ikabagok ng ulo niya ang nasabing stunt.

Gayundin ang nakakapigil-hiningang pag-akyat niya sa mataas na gusali, na umere nitong Lunes nang gabi.

“Ang hirap umakyat sa building gamit ang lubid, ha? Walang dobol ‘yun, kahit na naka-harness siya, masakit pa rin ‘yun. Buti hindi sumakit likod niya,” say ng TV executive sa ibang network na nakausap namin.

Dagdag naman ng kilalang personalidad na may programa sa radyo: “Putik ‘tong si Angel, noh, ayaw magpadobol. Kahit ba sabihing may nakaabang, masakit at mahirap ‘yun, lalo na ang kuha ay sa gitna ng init ng araw.”

At ang iisang sabi ng mga kausap namin: “Kaya naman pala niyang maglalambitin, eh, bakit hindi na lang siya ulit si Darna? ‘Wag nang humanap ng iba, si Angel na ang Darna. Ibalik na sa kanya ang role.”

Baka sa mga sandaling nakabitin ay kaya ni Angel, pero knowing Direk Jerrold Tarog, na isa ring masokistang direktor, gusto niya ay makatotohanan ang mga eksena at mahabang oras ang shooting. Baka hindi iyon kayanin ni Angel.

Kita naman ang mga pelikulang nagawa na ni Direk Jerrold, ilang araw ang ginugugol niya para sa ilang eksena lang, eh, ‘di lalo na ang Darna, na baka 60% ng pelikula ay nasa ere ang bida.

Pero oo nga, baka naman puwedeng i-consider ulit ni Angel ang Darna. Samantala, halatang nagpapapansin talaga itong si Jimmy Bondoc, dahil kuda pa rin siya nang kuda kahit tumigil na si Angel, na busy sa taping ng The General’s Daughter.

Hindi ba busy si Jimmy sa trabaho niya, at wala siyang ginawa kundi mag-social media? Buti pa siya.

-REGGEE BONOAN