INULAN ng papuri si Sanya Lopez sa kanyang pagganap bilang Mariel, sa pinakabagong Afternoon Prime soap ng GMA Network na Dahil sa Pag-ibig.

Hinangaan ng netizens ang mahusay na paggsanyaanap ni Sanya sa kanyang role.

Tweet ni @JARiaaa: “Sanyaaaa!!! Sobrang proud kami sa ‘yo! 1st episode pa lang pero sobrang wow na wow na!!! Congratulations bb! Gad, nakakaiyak!! Wala, sobrang proud na proud lang talaga ako sa ‘yo!! Sobrang mahal kita!”

Kaya naman nakaabang na tuwing hapon ang fans at supporters ni Sanya sa mas maiinit na eksena sa Dahil sa Pag-ibig, Lunes hanggang Biyernes.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Niwey, talagang tinutukan ng Kapuso televiewers ang pilot episode ng Dahil sa Pag-ibig. Trending topic ito online, at naging usap-usapan dahil sa kakaibang kuwento at intense na mga eksena sa serye.

Umpisa pa lang kasi ay mainit na ang mga kaganapan between Eldon (Benjamin Alves) at Mariel (Sanya). Marami pang dapat abangan sa kuwento ng mag-asawa sa pag-alis ni Eldon papuntang Saudi Arabia.

Subaybayan ang Dahil sa Pag-ibig, sa GMA Afternoon Prime, pagkatapos ng Bihag

-MERCY LEJARDE