TUNAY kayang Twitter account ng tatay ni Alden Richards na si Mr. Richard Faulkerson ang @R_FAULKERSon dahil nag-LIKE siya sa tweet ni @MPO203, “Toink!!! Huli ba??? Bakit tinext eh magkasama pala sa HK. Nice try mader Atay (Atayde) and @AtaydeArjo.”

MAINE at ARJO

Pinadalhan kami ng ArMaine supporters ng screenshot ng tweet na nag-like si Mr. Faulkerson at nagulat kami.

Anyway, isa ang handler ng account ng @MPO203 sa bashers ng ArMaine na hindi matanggap ang relasyon nina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Ang nakakatawa pa, iniba nito ang context sa isinulat namin dito sa BALITA dahil unang-una wala kaming sinabing nag-text si Arjo sa nanay niya.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Ang pagkakasulat namin ay, ‘nu’ng nasa Hong Kong palang kami tinatanong na ako ni Arjo kung ano ang lakad namin ng Thursday sabi ko wala. Tapos nabanggit ni Arjo na isasama niya si Maine (Huwebes).’

Kaya @MPO203, saan mo po nabasa ang sinabing nag-text si Arjo sa nanay niya? Sana huwag n’yo guluhin ang isyu.

Isa pang nanggalaiti sa galit at nagpapakalat ng maling impormasyon itong handler ng account na @NOALDUB7 (hayan pasisikatin kita), dahil sinagot namin siya na hayaan na lang ang ArMaine at igalang kung anong mayroon sila ngayon at tanggapin na para sila sa isa’t isa.

Ang sagot sa amin ni @NOALDUB7: “Sabi belongs si Atay (Atayde), eh, ano ‘to? Sabi, nag-text sa kanya anak niya eh paano mag-text eh kAsama niya sa Hongkong. T*nga ba siya? Text pa siya ng anak niya, eh kasama niya. Belongs pa more.”

Hindi raw maniniwala ang grupong ito dahil hindi naman daw inaamin ni Maine na sila na ni Arjo officially at gayundin ang magulang ng dalaga.

At para rin sa kaalaman ng lahat, dumating ng 10AM (Huwebes) sa Hong Kong ang magkakapatid na Arjo, Ria at Gela Atayde para sopresahin ang kanilang ina sa kaarawan nito at umalis din kinagabihan, 11PM.

Mangilan-ngilan lang naman ang hindi pabor kina Arjo at Maine sa thread dahil lahat sila ay nagsabing basta sa ikaliligaya ng dalaga ay doon sila.

-Reggee Bonoan