PINAG-ISIP ni Sarah Geronimo ang followers niya sa Instagram (IG) nang burahin lahat ang kanyang post at iniwan iwan lang ang post na nakasulat ay “5.30”. Ang fans ni Sarah ang nanghinayang sa mga photos na na-delete dahil part ‘yun ng past ni Sarah.

SARAH

Kani-kanyang hula ang fans sa ginawa ni Sarah, may nagsabing baka magpapakasal na sila ni Matteo Guidicelli sa May 30 na malabong mangyari dahil wala si Matteo, pumasok siya kahapon sa Camp Tecson para sa 45 days training kasama ang Scout Rangers.

May naniniwala namang launching ng bagong album ni Sarah sa May 30 at ginaya raw nito at ng Viva Films ang ginawa ni Taylor Swift nang mag-release ng album, dahil binura rin yata nito old posts sa IG.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Anyway, malalaman natin sa May 30, kung bakit deleted ang IG posts ni Sarah at kung para saan ang “5.30” nitong post.

-Nitz Miralles