NAGSALITA na rin sa wakas si Maris Racal kung bakit hindi na siya visible on social media with rumored-boyfriend, Iñigo Pascual, who are collectively known as MarÑigo. Dati kasing inseparable ang dalawa sa iba’t ibang okasyon.

Maris at Iñigo

Sa media launch ng kanyang bagong single na Abot Langit, sinabi ni Maris that she and Iñigo already have different roads to take.

“May changes na lang over one year kasi ‘di ba this time last year, very love team, daming ganap together. Ngayon kasi may iba’t iba kaming gusto,” ani Maris.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Nagbigay siya ng kanyang mensahe sa kanilang MarÑigo fans na nagtatanong kung bakit they have gone separate ways, pahayag ni Maris:

“Ang masasabi ko na lang diyan, sana ‘yung nagsu-support sa amin, support niyo na lang kung ano ‘yung ilalabas namin kasi kung magiging masyadong invested sila about relationship, you know, people change and maraming natural changes na nangyayari. So dapat kailangan nakaka-keep up ka sa ganyan. Don’t get stuck sa idea na ganyan.”

The actress-singer also stressed that they always made it clear to their fans even way back then that they were not in a relationship. “Sinabi naman namin ni Iñigo na hindi naman kami. Ngayon lang talaga siguro, ayaw lang namin na sobrang visible together as a love team kasi may tinatahak din kami na iba ibang gusto. Siya music, international, and then ako acting and then writing, so, very iba. Ayaw lang namin na sobrang… ‘yung tao sa paligid namin hindi mapaghiwalay ‘yung idea for us together kasi mahihirapan din kami. How will we grow?” ayon pa sa dalagang singer.

-ADOR V. SALUTA