MAGPAPAKASAL na sina Scarlett Johansson at Colin Jost!

SCARLETT

Na-engaged ang magkasintahan matapos ang dalawang taon ng kanilang relasyon, kinumpirma ng kinatawan ng aktres sa Entertainment Tonight nitong Linggo, at sinabing, "No date has been set for the nuptials."

Pumutok ang balita isang araw matapos ang Saturday Night Live season 44 finale, kung saan itinanghal ni Colin ang kanyang final "Weekend Update" segment para sa season.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dalawang beses nang ikinasal si Scarlett, 34 anyos—una ay kay Ryan Reynolds bago nagdiborsiyo noong 2010, at sa French journalist at advertising exec na si Romain Dauriac, na ama ng kanyang limang taong gulang na anak, si Rose. Naghiwalay ang dalawa noong kalagitnaan ng 2017.

Samantala, ito naman ang unang pagkakataon na ikakasal si Colin, 36, na nagsimulang maging karelasyon si Scarlett—na laging guest host sa SNL—noong May 2017.

Most recently, namataan ang couple walking arm-in-arm sa red carpet sa Hollywood premiere ng Avengers: Endgame noong April.

Kinapanayam ng ET si Scarlett sa star-studded event, at nagbiro siya tungkol sa plano niyang paggamit kay Colin para ma-prank ang kanyang  Avengers co-star na si Paul Rudd, nang maging host ng season finale.

"I've got connections. I'm gonna make sure that his time is really difficult, you guys," sabi ni Scarlett sa kanyang plano, na mukhang hindi natuloy nang mag-guest na si Paul sa show nitong Sabado. "I'm gonna sabotage him. I'm gonna come in from the inside [so] he doesn't know what's coming."