"Binigyan po ako ng pangalawang buhay ng Panginoong Diyos."

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

GOD SAVES ME! Pabirong kinagat ni Arizala ang medalya na kaloob ng WBC. (CARLOS COSTA)

GOD SAVES ME! Pabirong kinagat ni Arizala ang medalya na kaloob ng WBC. (CARLOS COSTA)

Ito ang magandang balita na ibinahagi ni Pinoy Flyweight division boxer na si Renerio "Rene" Arizala, matagumpay na nakasalba sa dalawang brain surgeries matapos ma-knockout sa kanyang laban sa Yokohama, Japan kontra Tsoyushi Tameda nitong Marso 31.

Masigla at malakas na humarap sa media ang 25-anyos na si Arizala, alis "Amazing" kasama ng mga opisyal ng Games and Amusement Board at Japan Pro Boxing Association (JPBA) at Japanese Boxing Commission (JBC) na naghatid sa kanya pauwi ng Pilipinas matapos ang matagumpay na operasyon.

Kabuuang 40 araw ang ginugol ni Arizala upang magpagaling buhat sa kanyang operasyon, kung saan binuksan ang kanang bahagi ng kanyang ulo upang tanggalin ang namuong dugo.

"Malaki po talaga ang pasasalamat ko sa Panginoon at sa mga taong tumulong po sa akin, habang nagpapagaling po ako sa Japan. Hindi po nila ako pinabayaan, Bukod po duon, gusto ko pa po talagang mabuhay para matulungan ang mga magulang ko at maiahon sila sa hirap," emosyunal na pahayag ni Arizala.

Ikinasiya din nina GAB commissioners na sina Eduard Trinidad at Mario Masanguid ang pagbabalik ni Arizala, at kagyat na

Ipinaabot, bilang kinatawan ni GAB Chairman Baham Mitra, ang pasasalamat sa JBC at JPBA, higit sa Maykapal na ibinigay na lakas para sa mabilis na paggaling ni Arizala

"Mismong si Chairman Abraham Mitra ang nagrequest sa PCSO ng financial assistance for Arizala. Actually we are very happy for his recovery. We saw it s a blessing because it happened in Japan. If it happened somewhere else we would not know what would happene to him. Kaya malaki ang pasasalamat natin sa PJBA and JBC," pahayag ni Commissioner Trinidad.

Hindi na maaring sumabak sa boxing si Arizala, ngunit aniya, handa siyang magtrabaho at gamitin ang mga tulong na kanyang makukuha upang maiahon sa hirap ang kanyang mga magulang at kapatid.

"Kaya din po siguro binuhay pa ako ni Lord kasi talagang kailangan na makatulong pa po ako sa mga magulang ko at mga kapatid,” pahayag ni Arizala na bunso sa apat na magkakapatid.

Sa ngayon ay manantili muna siya sa Manila Medical Center upang doon ay masubaybayan ng mga espesyalista ang kanyang kalusugan matapos ang kanyang pagkakaligtas sa posibleng aneurysm.

Sa isinagawang joint media conference nitong Huwebes ng GAB at JBC, ipinagkaloob ng World Boxing Council (WBC) ang ‘Champion’s Medal’ kay Arizala.

Ibinigay kay Arizala ang ‘green and golden medal’ ni WBC International Secretary at head ng Japan Boxing Commission (JBC) Tsuyoshi Yasokuchi.

Kasama ring dumalo sa programa sina Japanese matchmaker Takashi Aoshima, JBC's Tsuyoshi Yashokuchi at Kazuhiro Ryuko ng Japan Pro Boxing Association (JPBA), at ang buong Team Arizala, sa pangunguna ni coach at cornerman Jonathan Penalosa.

"There was much worry about Arizala in Yokohama, Japan," pahayag ni Tsuyoshi Yasokuchi.

"That night, Arizala fought so bravely, so bravely. Unfortunately, the accident happened. I am so very sorry we couldn't protect him completely. But we tried to do our best.

"Arizala (kept on) fighting every day. Totally 45 days. Finally, God saved him,” aniya.

Ayon kay Yasokuchi ang WBC Champion Medal ay simbolo ng katapangan at pagiging kampeon na siyang ipinamalas ni Arizala sa kanyang laban.

“And, as I say that he (Arizala) is a young man who fights so very bravely, so I am honored to give him a symbol of a champion (the WBC Champion Medal)," aniya.

Kasama ring nagbigay ng pagbati kay Arizala sina GAB contact sports commission head  Jackie Lou Cacho, GAB Legal Division head Atty. Ermar U. Benitez, GAB Medical Division Head Dr. Radentor R. Viernes at GAB Boxing Chief Dioscoro B. Bautista.

-ANNIE ABAD