MISTULANG gumuho ang kapangyarihan ng mga Estrada-Ejercito sa larangan ng pulitika matapos mangulelat ang kanilang pamilya sa mga nakalaban sa halalan nitong Lunes.
[gallery size="medium" ids="339241,339243,339244,339240,339245,339242"]
“It’s a sad day for the family,” reaksiyon ng kumandidato para sa isa pang termino na si Senator JV Ejercito, anak ni dating Pangulo at incumbent Manila Mayor Joseph Estrada kay incumbent San Juan City Mayor Guia Gomez.
Malungkot ang reaksiyon ni Senator JV sa panayam sa kanya ng GMA News tungkol sa pagkatalo sa eleksiyon ng karamihan sa mga miyembro ng Estrada- Ejercito family.
Si JV at ang kanyang half-brother na si dating Senator Jinggoy Estrada ay parehong laglag sa Top 12 ng senatorial race, base sa latest partial and unofficial results.
Habang isinusulat ang balitang ito, si JV ay nasa ika-13 puwesto, habang si Jinggoy ay nasa ika-15.
Ang ama nilang si Mayor Erap ay tinalo ng dati nitong bise at kapwa aktor na si Isko Moreno bilang bagong mayor ng lungsod.
Ang anak ni Jinggoy na si Janella Estrada ay natalo ni Francis Zamora, na nitong Lunes ng gabi ay naiproklama na bilang bagong mayor ng San Juan.
“From a dynasty to another dynasty,” reaksiyon ni Winnie Monsod sa pagkakapanalo ni Zamora sa siyudad na nasa limang dekada nang hawak ng pamilya Estrada.
Ang half-sister nina JV at Jinggoy na si Jerika Ejercito, anak ni Mayor Erap kay Laarni Enriquez, ay natalo rin bilang konsehal sa Fourth District ng Maynila.
Ang mga pinsan naman nina JV at Jinggoy na sina ER Ejercito at Gary Estrada ay natalo rin sa kani-kanilang election bid. Si ER ay natalo para gobernador ng Laguna, habang si Gary ay natalong vice mayor ng Cainta, Rizal.
Sina ER at Gary ay mga anak ng yumaong aktor na si George Estregan, kapatid ni Mayor Erap.
Samantala, kung maraming showbiz personalities ang nabigo sa nakaraang halalan, may ilan naming nagbubunyi sa kanilang panalo. Kabilang sa kanila ang Star for All Seasons, si Batangas Rep. Vilma Santos- Recto, na nanalo sa lone district ng Lipa City para sa kanyang re-election bid.
Panalo rin s i Daniel Fernando bilang Bulacan governor, si Dan Fernandez para kongresista ng Laguna.
Muli namang nahalal na mayor ng Ormoc City, Leyte si Richard Gomez, habang nanalo rin bilang Leyte 4th District representative ang kanyang misis na si Lucy Torres-Gomez.
I p r i n o k l a m a n g Commission on Elections (Comelec) kahapon ng umaga sina Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte at Councilor Gian Sotto, anak nina Senate President Tito Sotto at Helen Gamboa, bilang bagong alkalde at bise alkalde ng siyudad, respectively.
Numbe r one e l e c t e d counc i lor s a ika l awang distrito ng Valenzuela City si Charee Pineda. Panalo ring mga konsehal sina Vandolph Quizon at Jomari Yllana sa 1st district, at si Ryan Yllana sa second district ng Parañaque City.
Nabigo naman si Dominic Ochoa na mahalal na konsehal sa ikalawang distrito n g P a r a ñ a q u e , g a y u n d i n s i Rochelle Barrameda na kumandidatong kons eha l s a 1 s t district, at si Jeremy Marquez na natalo sa kanyang vice mayoral bid.
B i g o r i n s i Edu Manz ano , n a t uma k b o n g congres sman ng San Juan, gayundin s i Monsour de l Rosario na kumandidatong vice mayor ng Makati.
Hindi rin nagtagumpay si Andrea del Rosario na masungkit ang ikalawang termino bilang vice mayor ng Calatagan, Batangas. Pero nagwaging konsehal ng lone district ng Angeles City, Pampanga ang dating kasamahan ni Andrea sa Viva Hot Babes na si JC Parker.
Talo rin si Polly Yllana, na kumandidatong konsehal ng 5th district ng Quezon City, matapos na magbigay-daan ang kapatid niyang si Anjo Yllana para sa kanya.
Natalo rin ang dating Ang TV star na si Jan Marini bilang konsehal sa fourth district ng Quezon City, gayundin ang Kapuso news anchor na si Jiggy Manicad, na tumakbong senador.
-ADOR V. SALUTA