NADOMINA ng Caloocan ang San Mateo, 101-72, para makisosyo sa ikalawang puwesto sa North Division in the Community Basketball Association (CBA) Founder’s Cup elimination nitong Sabado sa Niagara gym sa Caloocan.
Magkakatuwang sa opensa sina Junjie Hallare, Darwin Lunor, Rojay Santos, Erap Peñaredondo at Russel Fuentes para sa makamit ng Saints ang ikalimang panalo sa pitong laro sa eight-team, two-group tournament na inorganisa ni actor-director Carlo Maceda.
Kumubra si Hallare ng 17 puntos mula sa 7-of-11 shooting bukod sa anim na rebounds, tatlong assists, isang steal at isang block.
Kumasa si Lunor ng 12 puntos at 10 rebounds, tumipa si Santos ng 11 puntos at may tig-siyam na puntos sina Peñaredondo at Fuentes.
Nanguna si Damian Lasco sa San Mateo na may 21 puntos, habang kumasa sina Mob Adolfo at Ralph Salcedo ng 12 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Iskor:
Caloocan (101) -- Hallare 17, Lunor 12, Santos 11, Peñaredondo 9, Fuentes 9, Pagtaccunan 8, Decano 6, Palencia 6, Fontanilla 6, Tiquia 5, Principe 4, Sombero 2, Manancho 2, Principe 2, Pangan 2.
San Mateo (72) -- Lasco 21, Adolfo 12, Salcedo 11, Marilao 10, Gumaru 6, Malilim 6, Cayson 6, Dator 0.
Quarterscores: 25-15, 53-34, 78-54, 101-72.