NADOMINA ng NU Lady Bulldogs ang DLSU Lady Archers, 99-34, sa Women’s Division ng 25th Fr. Martin’s Cup , sa pagtataguyod ng World Manila, kamakailan sa SGS Gym sa Quezon City.

NAGAWANG makaiskor ng player ng Perpetual sa maaksiyon tagpo ng laro sa Fr.Martin Cup

NAGAWANG makaiskor ng player ng Perpetual sa maaksiyon tagpo ng laro sa Fr.Martin Cup

Limang Lady Bulldogs ang umiskor ng double digit, sa pangunguna ni Monique del Carmen na may 20 puntos. Kumana sina Rhena Itesi, Lamama Kapinga, Jack Animam, at Geanne Camelo.

Nagawang makontrol ng five-time UAAP champions ang etmpo ng laro at kaagad na sumirit sa double digiot na bentahe sa dominanteng 19-5 run tungo sa ikalawang sunod na panalo.

Matibay na depensa an ginilatag ng Lady Bulldogs, sapat para malimitahan sa single digiot ang opensa ng karibal, sa pangunguna ni Bettina Binaohan na umiskor lang ng siyam na puntos.

Legal team ni VP Sara, sisipot sa nakaambang 'Senate impeachment trial!'

Umusad ang Lady Bulldogs sa 2-1, habang sadsad ang Lay Arhcers sa 0-2 karta.

Sa juniors, pinataob ng FEU Baby Tamaraws ang Diliman Preparatory School Baby Blue Dragons, 91-65.

Nanguna si Kyle Bautista na may 23 puntos, habang kumubra si Vince Saldua na may 14 puntos.

Sa iba pang resulta sa Juniors Division, ginapi ng San Beda A ang San Sebastian, 95-71, para sa ikatlong sunod na panalo sa Group B Division.

Umubante ang Red Cubs sa 12-puntos na bentahe mula sa opensa nina Yukien Andrada, Josiah Alcantara, at Winston Ynot.